Chapter 24. Favorite Color: White

6.2K 99 2
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

KASALUKUYAN akong abala sa sa trabaho nang bumukas ang pinto ng opisina ko at sumulpot si Summer at Poppy. Nagulat ako at agad napatayo sa upuan ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta sila rito.

"Surprise!" Summer exclaimed, nakataas pa ang kamay. Si Poppy naman ay tahimik sa tabi niya, pero bahagyang may ngiti sa labi habang nakatingin sa 'kin.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito? 'Di ba dapat nasa bahay kayo at nag-aaral?" I walked over my desk para i-guide sila sa couch na nasa loob ng opisina ko. Sinundan nila ako roon, naupo sila.

"Nagpaalam naman kami kay mommy at daddy para lumabas. May kinailangan lang bilhin na learning materials, then nag-date kami ni Poppy sa street market. Tapos tinanong ko s'ya kung gusto n'yang makita ang working place mo bago umuwi. She said yes, kaya dito muna kami dumiretso," litanya ni Summer habang si Poppy naman ay iginagala ang tingin sa palibot ng opisina ko. "Pero 'wag kang mag-alala. Alam kong busy ka kaya hindi rin kami magtataga—ay, wait. My phone is ringing." Dinukot niya ang phone niya sa bulsa at tiningnan 'yon. "It's Tita Baby. Sagutin ko lang 'to saglit. Pops, saglit lang, ha? Dito ka muna."

Poppy nodded, prompting Summer to leave my office immediately, leaving just Poppy and me alone. Ilang saglit na katahimikan ang namagitan sa amin ni Poppy bago ko siya binalingan. "Kumusta ang date n'yo ni Summer?"

Napangiti siya nang malapad, nakatingin din sa akin. "Masaya. Ngayon lang ako nakapunta sa street market. Ngayon lang din ako nakakain ng street foods. Ikaw, Kuya Faith? Kumusta ka rito? Marami ka bang ginagawa? Pasensya na kung naabala ka—"

"It's okay, Poppy." I gave her a reassuring smile. "P'wede ko namang ituloy mamaya 'yong ginagawa ko. Teka? Gusto mo bang i-tour kita rito sa loob ng building habang wala si Summer?"

Poppy nodded enthusiastically, her eyes sparkling with curiosity. Nauna akong tumayo sa kaniya at agad siyang sumunod sa 'kin. As we stepped out of my office, the bustling atmosphere of the company greeted us. I led the way down a bright, wide corridor lined with sleek, modern decor.

"Ito 'yong main hallway," I explained. "Kinokonekta nito lahat ng mga departments dito. Sa kaliwa, naroon ang marketing team. Sila ang utak sa likod ng mga campaigns and promotions ng company."

Poppy glanced through the glass walls, observing the team huddled in a brainstorming session. "Grabe. Kahit linggo pala may pasok pa rin sila? 'Tsaka halata na sobrang focus nila sa ginagawa nila," she remarked.

"Yes. Pero ilan lang ang pumapasok sa kanila kapag weekends. Mas maraming empleyado rito sa company kapag weekdays. 'Yong mga narito ngayon, sila 'yong mga masisipag mag-overtime."

We continued walking, passing by several open-plan workspaces. I pointed out different departments, each with its own unique energy. "Ito naman ang development team, where all the coding magic happens. At sa banda roon, 'yon ang design studio. Sila naman ang in-charge sa lahat ng visuals and user interfaces."

Poppy admired the vibrant posters and sketches adorning the design studio's walls. "Ang gaganda naman. Ang gagaling nila," she said.

Then, I led her to a spacious, sunlit atrium with comfortable seating and a coffee bar. "Ito naman ang common area. Dito nag-re-relax minsan ang mga employees, nagkukuwentuhan at nagkakape kapag may free time."

Poppy's eyes widened. "Sobrag ganda. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagtatrabaho rito sa inyo."

Napangiti ako. "Ngayon, sa top floor naman kita dadalhin. There's a surprise waiting for you."

We took the elevator up, and as the doors opened, Poppy gasped. The rooftop terrace offered a panoramic view of the city skyline. Lush greenery, cozy seating areas, and a small fountain created an oasis of calm.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon