✧FAITH ZEICAN LEE✧
"SABI mo busy ka at may kailangan tapusin?" May bakas ng pagkainis sa boses ni Chloe, pero halatang nagpipigil, habang salubong ang kilay niyang naktitig sa 'kin. "Ano'ng ginagawa ni Poppy rito?"
I exhaled deeply bago siya sagutin. "Kasama n'ya si Summer. Lumabas sila saglit at dumaan dito sa opisina." Kasunod ng sinabi ko ang pagbukas ng pinto ng opisina at pagpasok ni Summer kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Oh, Ate Chloe? Narito ka pala?" Naglipat-lipat ang tingin ni Summer sa amin ni Chloe, mukhang na-gets niya agad ang nangyayari kaya agad niyang nilapitan si Poppy at humawak sa braso nito, habang na kay Chloe pa rin ang tingin. "Mauna na kami ni Pops. Dumaan lang kami saglit dito dahil may kailangan ako kay Kuya. Kaso biglang tumawag si Tita Baby kaya iniwan ko pansamantala si Poppy. Sige, ha? Una na kami. Bye." Hinila na niya agad si Poppy palabas.
As the door closed, leaving just Chloe and me in the office, I heard her sigh, as though she had finally found relief. "I'm so sorry, babe." Humakbang siya palapit sa 'kin at inabot ang isang kamay ko habang nanatiling nakatingin sa mukha ko. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon, maging ang boses niya. "Simula kasi noong napalapit si Poppy sa 'yo at sa pamilya mo, I've felt a change in your attitude toward me. Kaya hindi mo ako masisisi for feeling jealous when I see you together with Poppy, especially since I'm your fiancé."
Saglit ko siyang pinagmasdan, at muli akong napabuga ng hangin bago magsalita. "I don't see any reason for you to be jealous of your sister, Chloe. Isn't her closeness to my family something you should be happy about? Aren't you proud of your sister that after seventeen years confined to your mansion, Poppy finally has people she can talk to and consider friends and family besides all of you? Aren't you happy about that?"
"Babe—"
"Napakainosente ng kapatid mo, Chloe. Ang dami n'yang hindi alam. Ang daming bagay na bago lang para sa kan'ya, and I wonder why? I wonder kung bakit hinayaan mo 'yon na mangyari sa kapatid mo. Kasi ang totoong magkakapatid na nagmamahalan, nagmamalasakitan dapat. Pero ikaw, bakit hindi ka nagmalasakit sa kapatid mo?" May panunumbat sa boses ko. Hindi na ako nakapagpigil dahil naalala ko ang mga kinuwento sa amin ni Poppy kagabi noong pare-pareho silang naging emosyonal nila mom at Summer.
Nagsalubong ang kilay niya at napalunok siya habang pinagmamasdan ako. "Bakit? Ano ba'ng sinabi sa 'yo ni Poppy?"
Hindi agad ako nakasagot dahil may napansin ako sa kaniya. Bakit parang kabado siya? "Walang sinabi sa amin si Poppy. Lahat 'yon ay obserbasyon namin sa kan'ya. Bakit? Mayro'n ba s'yang dapat sabihin? May dapat ba kaming malaman tungkol sa kan'ya?" panghahamon ko sa kaniya, gayon pa man ay sinikap kong kalmahin na ang sarili ko at boses ko dahil naisip kong baka si Poppy ang mapahamak at mapagbuntunan niya ng inis, lalo na at uuwi na si Poppy sa kanila bukas ng umaga. Daddy at mommy mismo nila ang susundo kay Poppy base sa naging pag-uusap ni mommy at Mrs. Herald.
"It's nothing, babe. I'm just worried that Poppy might be saying things that aren't true. Noong bata pa kasi s'ya, it was one of the side effects of her medication. She used to make up stories."
Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Sa sobrang inosente ni Poppy, idagdag pa na no read, no write siya, hindi ko alam kung paano niya mai-ma-manage na gumawa ng kuwento.
"Ano nga pala'ng ginagawa mo rito?" Humakbang na 'ko pabalik sa table ko para maituloy na ang ginagawa ko kanina. "Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka."
"Paano ako magsasabi kung hindi mo nga ako nire-reply-an?" Naupo siya sa couch na nasa gitna ng office ko. She crossed her arms and legs, pero sa akin siya nakaharap. "Babe? Gusto ko rin mag-overnight sa inyo, p'wede?"
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...