Chapter 14. Missing

6.9K 105 2
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

"PANLALAKI po ba, sir? Para po ba sa inyo?" tanong sa 'kin ng saleslady na siyang nag-a-assist sa 'kin habang iniikot ko ang tingin ko sa mga naka-display na phone cases. Katatapos ko lang bumili ng bagong phone, at ngayon, phone case ang hinahanap ko.

I shook my head. "Hindi. Pambabae ang kailangan ko. Ano ba ang design na sa tingin mo p'wede sa isang . . . uh, seventeen years old? Ipangreregalo ko kasi." Nabanggit ko naman na sa kaniya ang unit na kailangan ko kaya hindi na siya mahihirapan mag-isip. Design na lang ang iisipin niya.

"Depende po kasi, sir, eh. Ano po ba ang hilig n'ya?"

Natahimik ako at napaisip, kasunod ang pag-iling ko. "I don't know."

"How about color po? Gusto n'yo po bang sa color na lang po tayo magbase? Baka po alam n'yo ang favorite color n'ya?"

Hindi rin ako sure sa bagay na 'yon, pero naalala ko na kulay pink ang suot niyang lumang T-shirt noong una kaming nagkita sa party. "Pink na lang," I told her.

Tumango siya at saglit akong tinalikuran para maghanap ng i-o-offer sa 'kin. Pero habang nakatalikod siya, may natanaw akong phone case na kulay light pink, may design 'yon na ribbon sa likuran at may maliliit na heart na nakapalibot sa gilid.

"Miss?" Lumingon sa 'kin 'yong saleslady. "Can I see that one?" Tinuro ko 'yon sa kaniya at agad niya namang kinuha. Inabot niya sa 'kin at saglit kong ininspeksyon bago ako tumango sa kaniya. "Okay na 'to. I'll get this one."

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Papunta na ako ngayon sa bahay nila Chloe. Sinulyapan ko ang flower bouquet sa tabi ko at ang dalawang box ng mamahaling chocolates. Sa backseat naman, naroon ang paper bag kung saan ko nilagay ang pasalubong ko kay Poppy. Pero wala pa akong balak na ibigay 'yon sa kaniya ngayon. 'Tsaka na lang kapag isinama ulit siya ni Chloe sa amin, dahil hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko na makialam para bilhan siya ng phone. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ni Chloe at ng parents niya kapag nalaman nila 'yon, kaya next time ko na lang ibibigay sa kaniya.

Naaawa kasi ako kay Poppy. Tulad noong sinundo siya ng parents niya sa bahay namin last week. Hindi ko makakalimutan ang nabakas kong lungkot sa mukha niya noong palabas na sila sa bahay. Halatang ayaw niya pang umalis noong oras na 'yon, pero wala siyang choice. Si Chloe ang nakiusap sa parents nila na daanan sa bahay si Poppy sa amin dahil baka raw gabihin na siya at hindi na ito magawang sunduin. Nagkataon na pauwi na rin noong time na 'yon ang parents niya galing sa isang event kaya naisipan na nilang daanan si Poppy kahit na hanggang hapon pa sana ang paalam ni Chloe na stay nila roon sa amin.

At isa sa dahilan kaya ko siya binilhan ng phone ay para magkausap pa rin sila ni Summer kahit wala siya sa amin. Napalapit na rin kasi siya kay Summer at sa tingin ko ay 'yon ang dahilan kaya siya malungkot noong sinundo siya sa amin ng parents niya.

"Hi, babe." Mabilis na tumingkad si Chloe at dinampian ng halik ang labi ko pagbaba ko sa sasakyan. Bitbit ko na rin ang bulaklak na binili ko para sa kaniya, pati 'yong dalawang box ng chocolate, at inabot 'yon sa kaniya. "Bakit ang daming chocolates?" she asked, smiling.

"Tig-isa kayo ni Poppy," nakangiti ko ring sagot, dahilan para mapawi nang bahagya ang ngiti niya.

Saglit niya akong pinagmasdan. "Ang sweet mo naman, babe. Pati kapatid ko dinadamay mo palagi sa mga binibigay mo sa 'kin. If I were the jealous type, we'd surely be fighting," she joked, laughing slightly before inviting me inside.

Dito ulit ako sa kanila mag-di-dinner ngayon. Pagdating namin sa dining area nila, naabutan na namin doon ang parents nila, nakapuwesto na sa upuan kaya agad akong bumati rito. Binati rin nila ako pabalik habang nakangiti. Naroon din si Poppy, nakapuwesto na sa upuan niya kaya nag-"hi" ako rito bago ako maupo.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon