Chapter 3. Faith's Date

12.6K 221 47
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

KASALUKUYAN akong busy sa opisina ko, may ni-re-review akong spreadsheet nang may kumatok sa pinto, kasunod ang pagbukas no'n. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino 'yon dahil secretary ko lang naman na si Colleen ang kadalasang pumapasok dito. Bago rin may makapasok na iba, daraan muna sa kaniya para i-inform ako kung mayroon man naghahanap sa 'kin.

"Sir Faith." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mas matanda siya sa 'kin nang dalawang taon kaya naiilang ako kapag tinatawag niya akong Sir. Pero siya naman ang may gusto niyon. Sinabi ko na sa kaniya na kahit Faith lang ang itawag niya sa 'kin ay walang problema. Pero ang katuwiran niya, kailangan niya raw akong i-address nang tama. "May naghahanap sa 'yo." 

Dati rin siyang gumagamit ng 'po' at 'opo' sa akin noong bago pa lang siya, pero 'yon ang sinikap kong ipaalis sa kaniya dahil hindi talaga ako sanay na may nag-po-po at opo sa akin na mas may edad sa akin. Ganunpaman, kahit naalis na niya ang paggamit ng 'po' at 'opo', hindi pa rin nawawala ang pakikipag-usap niya sa 'kin nang may respeto. 'Yon ang bagay na nagustuhan ko sa kaniya.

"Sino?"

"Chloe Herald, Sir."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Si Chloe? Oo nga pala. Isang linggo na ang lumipas. Ngayong week naka-set ang pagkikita namin, pero lagi akong busy kaya hindi ko 'yon naalala. Wala naman kaming contact sa isa't-isa para sabihan siya na i-re-schedule ang meeting namin.

"Okay. Let her in." Matapos niyang tumango ay tumalikod na siya at lumabas sa opisina ko. Nanatili ang tingin ko sa pintuan para abangan ang pagpasok ng babaeng magiging fiancée ko. At habang hinihintay ko 'yon, kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay nanlalamig ang mga palad ko.

Bakit ganito?

Sa loob ng dalawang taon ko sa Lee Electronics Company, I've gone through a lot. I've faced influential figures in the business industry without feeling the kind of nervousness I'm experiencing now. What does this mean? Is it because of what Hope overheard from Uncle Ryan—that she's bitchy, whiny, spoiled, and a materialistic airhead?

I immediately sat up straight when the door opened, revealing a woman with short hair. She had a sleek bob cut and was about the same height as my younger sister, Summer. She wore minimal makeup and was dressed in a designer outfit that made her look... absolutely... stunning. I couldn't deny her striking appearance.

But just like me, she was stunned when she saw me. Her mouth was slightly open, and her eyes widened as she took in my appearance. She seemed momentarily frozen, her gaze fixed on me, clearly struck by my looks.

Ako na ang kusang tumayo sa upuan ko dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin siya. I walked around my desk para makalapit ako sa kaniya, offering my hand for a shake. "Hi. I'm Faith Zeican Lee."

She blinked. "Oh. Hi. I... I'm Chloe." 'Tsaka niya tinanggap ang kamay ko, her lips forming a small smile. "Chloe Herald."

Wait? Bakit parang hindi ko nararamdaman sa aura niya ang pagiging bitchy? Mali ba ng nakuhang impormasyon ni Tito Ryan? Her smile is genuine, and she seems like a sweet girl.

Nang magbitaw ang kamay namin, niyaya ko siyang maupo sa sofa na nasa bandang gitna ng opisina ko, but she refused. "No, thank you. Hindi naman ako magtatagal dahil may lakad pa ako. Gusto lang sana kitang ma-meet dahil siguradong tatanungin na naman ako ni Mom at Dad mamaya kung nagkita na tayo."

"I'm sorry. I've been busy lately, I—"

"No." She interrupted me, smiling. "It's okay. You don't have to apologize. I understand. P'wede naman tayong lumabas kapag hindi ka na busy. For now, ako na muna ang bahala sa parents ko. You can contact me kapag may time ka na. Here's my calling card." May inilabas siyang card sa purse niya at inabot sa 'kin. "Mauna na ako. Bye. See you again soon."

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon