✧FAITH ZEICAN LEE✧
ISANG linggo mahigit na kaming nag-aaral ni Poppy tuwing gabi through online. Meaning, isang linggo na rin akong puyat. Eleven ng gabi ang simula namin hanggang 1 a.m. At kaya lang ako nagtatagal nang hanggang ala una ay dahil bago pa man kami magklase ay lumalaklak na ako ng kape. Then, kapag muli akong nakaramdam ng antok, magkakape ulit ako para maituloy ko ang pagtuturo kay Poppy.
At nakatutuwa na kahit papaano ay natututo na siyang magbasa nang Tagalog. Alam na niyang mag-Abakada. Although hindi pa siya gaanong mabilis at mahusay, pero nababasa na niya kahit papaano ang mga letra. Higit sa lahat, naituro ko na sa kaniya kung paano isulat ang pangalan niya.
Ang problema nga lang, hindi pa rin siya pinapayagan ng parents niya na muling pumunta sa bahay. Chloe, on the other hand, has visited us several times this past week. She comes over even without an invitation from me. Pero okay lang dahil fiancee ko naman siya, sa ngayon. And when she's here, Mom and Summer sometimes ask her how Poppy is doing, and her usual response is that Poppy is fine. That's as far as she goes. She doesn't say much when Poppy is mentioned, clearly showing that she's jealous of her sister.
Kasalukuyan akong nakatanaw sa garden nang mag-ring ang phone ko. It was Mommyla, voice calling me. Sinagot ko agad 'yon. "Hi, Faith," masaya niyang bungad sa 'kin.
"Hello, Mommyla," I greeted back.
"Nasa inyo ka? Tinatawagan ko kasi ang mommy mo, hindi sumasagot."
"Baka po hindi hawak ang phone n'ya. Pero, yes, Mommyla. Nasa bahay naman ako," I responded. Saturday ngayon kaya nasa bahay lang ako. Wala kaming lakad ni Chloe, because again, kahit hindi ako busy ay dinahilan ko sa kaniyang marami akong ginagawa para lang hindi niya ako yayaing lumabas para mag-date.
"Oh, good. You can be the one to tell your mom. I've invited the Herald family for dinner tonight. We'll have it at home. You should be here before 7 p.m., okay? All of you."
"Herald family?" Kumunot ang noo ko. That means, kasama si Poppy? "Uh, sino-sino sa Herald family ang pupunta, Mommyla?" paninigurado ko.
"Iyong mag-asawa at 'yong dalawa nilang anak."
Nakaramdam ako ng kakaibang excitement. Sa sobrang excitement ko, kahit alas dies pa lang ng umaga ay parang gusto ko nang sumugod kina Mommyla. Agad akong pumasok sa loob ng bahay para iparating 'yon kina Mom at Dad.
"Hey, Mom," malapad ang ngiti kong bati sa kay mommy nang masalubong ko siya, galing siya sa kitchen, may bitbit siyang mug na may green tea. Naging obsessed kasi siya sa green tea simula nang banggitin sa kaniya ni Love Andrei na nakatutulong 'yon para magbawas ng timbang at kuminis ang balat. Though, hindi naman niya 'yon kailangan.
"Yes, my sweetie boy? Bakit ang lapad ng ngiti mo?" She came close to me and wrapped an arm around my waist, and it was then that I realized how small she was. She didn't even reach my shoulder. Pansin ko rin na suot niya 'yong pangtali sa buhok na binigay sa kaniya ni Poppy ayon kay Summer.
Matapos kong sabihin sa kaniya ang bagay na pinag-usapan namin ni Mommyla, lalong lumapad ang ngiti niya. "Ibig sabihin, makikita ulit natin si Poppy?"
See? Mukhang hindi lang ako ang excited. Mas lalo siya. Mas mukhang interesado pa siya na makita si Poppy kaysa kay Chloe.
-ˋˏ✄┈┈┈┈
"Poppyyyyyy!" tili ni Summer pagpasok namin sa mala-mansyon din na bahay nila Mommyla at natanaw namin si Poppy. Naroon sila sa living room, kasama niya si Chloe at Tita Baby, mukhang nagkukuwentuhan sila, pero bukod tanging si Poppy ang tahimik.
"Ate Summer?" Bakas ang gulat sa mukha ni Poppy, maging ang saya nang matanaw kaming palapit. Agad siyang napatayo sa upuan niya at sinalubong kami. Kay Summer siya unang lumapit dahil si Summer ang nauuna sa amin.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...