✧FAITH ZEICAN LEE✧
“Hi, My Popsieeee!”
Popsie?
Malapad agad ang ngiti ni Mommyla, nakabuka pa ang mga braso niya habang sinasalubong si Poppy papasok sa loob ng bahay nila. Nasa bandang likuran kami ni Poppy, at kararating namin dito dahil inimbita ulit kami ni Mommyla for barbeque dinner. Kami-kami lang ngayon. Hindi namin kasama ang pamilya ni Poppy.
“Hi po, Mommyla,” malapad ang ngiting bati ni Poppy sa kaniya, kasabay ang pagyakap nila sa isa’t-isa.
Ikalawang linggo na sa amin ni Poppy, at itong nakaraang linggo, tatlong beses kaming dito nag-dinner kina Mommyla. Tuesday, Thursday, Friday, at ikaapat ngayong Saturday. Pero sa tatlong gabi na ‘yon, napakadali lang din nakuha ni Poppy ang loob ni Mommyla kaya close na rin sila ngayon. Kung paanong naging close agad sa amin si Poppy noon, gano’n din sila ni Mommyla.
May mga pagkakataon pa nga na nagseselos na si Summer kay Poppy, dahil noon ay siya ang favorite na apo ni Mommyla. Ngayon ay nabaling kay Poppy ang atensyon niya. Pero ang kagandahan naman kay Summer, ‘yong selos niya, hindi katulad ng selos ni Chloe na parang may kasamang sakit ng loob. Si Summer ay pabiro lang magselos. Katuwaan kumbaga.
Tulad ngayon, siya ang sumunod na yumakap kay Mommyla, at pagbitaw niya, binalingan niya si Poppy. “Hayan ka na naman, Pops, ha? Inaangkin mo na naman ang Mommyla ko. Dati ako ang unang niyayakap n’ya kapag pupunta kami rito. Ngayon, ikaw na. Dito ka na lang kaya tumira? Tutal mukhang hindi naman kayang awayin ng parents mo si Mommyla at Daddylo, eh.” Summer and Mom both laughed. But before Mommyla could respond, we triplets hurried over to her and each gave her a kiss on the cheek.
Noong natapos kami ay ‘tsaka niya binalingan si Poppy. “Oo nga, Popsie. Dito ka na lang tumira,” natatawa niyang sabi. “Kapag kasi narito ka at wala ang anak kong si Amethyst, kahit papa’no nalilibang ako.”
“Kung p’wede nga lang po sana,” tipid ang ngiting sagot ni Poppy, ‘tsaka na sila naunang tumungo papunta sa back door, palabas sa backyard dahil doon kami magba-barbeque. Doon din kami kakain.
Poppy and Summer were holding onto Mommyla's arms, magkabila sila habang naglalakad, and they were chatting about the cookies she baked. Mom mentioned recently that Poppy loves sweets, especially cookies, which is probably why Mommyla made them, at ipababaon niya raw 'yon mamaya kay Poppy bago kami umuwi.
Paglabas namin sa backyard, may naka-set up na roon na mahabang mesang kakainan namin. Mayroon na rin dalawang ihawan at naka-ready na ang mga iihawin namin. Ako, si Hope at si Love ang nanguna sa pag-iihaw. Ang mga girls naman ay pumuwesto na sa upuan doon sa mesa para magkuwentuhan. Si Daddylo at daddy ay naroon din, nakaupo. Pero ayos lang dahil alam naming hindi na kasing lakas ng tuhod naming mga bagets ang tuhod nila, lalo na si daddylo.
“Ano’ng maitutulong ko?” Nakangiting lumapit sa amin si Poppy. Nakatayo siya sa gilid ko.
“No need, Sugarpops. Kaming mga macho na ang bahala rito,” pagyayabang ni Hope.
“Gusto kong tumulong. Hindi ko pa kasi naranasan na mag-ihaw. Mukhang nakaka-enjoy.” Malapad ang ngiti niya.
“Kung gusto mo talaga, sige. Ikaw ang taga-ihip sa baga para hindi mag-rest in peace ‘yong apoy.”
Yumuko si Poppy, magsisimula na sanang umihip, pero agad ko siyang pinigilan sa braso at sinamaan ng tingin si Hopia. “Ikaw talaga, ‘yang kalokohan mo! Ikaw kaya ang umihip nang umihip sa baga? Tingnan ko lang kung hindi lumaki ‘yang itlog mo!”
Natawa siya bago balingan si Poppy. “Sugarpops, sorry. Pero nagbibiro lang naman ako.”
“That was a lesson, Poppy.” Si Love. “Simula ngayon, kailangan mong pag-aralan na hindi lahat ng ipagagawa sa ‘yo ng tao, kilala mo man o hindi ay susundin mo. Kailangan timbangin mo rin kung ang ipagagawa sa ‘yo ay makabubuti o hindi. You understand?”
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...