Chapter 58. Praying

75 15 3
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

THE world seemed to blur around me as I call the police, my heart pounding like a drum. Every second that Poppy was missing felt like an eternity. No'ng may sumagot na, agad kong sinabi ang problema. I reported Poppy missing para mas madali ang paghahanap namin sa kaniya. Dahil kung hindi kami kikilos, baka mamatay na 'ko sa pag-aalala dahil halos isang oras na siyang nawawala.

"She's about 5'3", long brown hair, hazel eyes. She was wearing a peach dress at may itim na coat na nakatali sa bewang niya," paliwanag ko sa pulis na kausap ko nang tanungin niya ako kung ano'ng hitsura ni Poppy.

"We'll put out an alert and start checking the area. Do you have any idea where she might have gone, or if anyone could have taken her?"

Biglang bumilis ang tahip ng dibdib ko dahil naalala ko ang pamilya niyang gahaman. Frustration bubbling up inside me. "Her family," walang alinlangan kong sagot.

Saglit akong nagbigay ng paliwanag sa kausap kong pulis kung bakit pamilya niya ang naisip kong salarin. Nang maliwanagan ito ay agad niya akong sinabihan na gagawa na sila ng aksyon para simulan ang paghahanap kay Poppy. Bukod sa mga pulis na pupunta sa mansyon ng mga Herald ay mayroon din mag-r-rounds sa palibot ng university at sa lugar na malapit dito para hanapin si Poppy.

"Kuya Faith!" Narinig ko ang pagsigaw ni Summer oras na maibaba ko na ang cell phone ko. Tumatakbo siya ngayon palapit sa direksyon ko dahil narito ako malapit ako sa entrance ng university.

Nasa harap ko na siya ngayon, hingal na hingal. "Dad ordered a full review of the CCTV footage from the university. Nakita si Poppy na lumabas sa campus kasama ng isa sa mga maids nila sa mansyon at sumakay sa isang van."

"What?" I asked, anger flaring. "Maid? Sigurado ka?"

Tumango siya. "Namukhaan ni daddy 'yong babae sa footage. Siya ang nag-confirm na maid 'yon sa mansyon nila Chloe."

"Where's dad?"

"Nasa office pa. Ako ang pinapunta niya rito sa 'yo para mag-update dahil may kausap siya sa phone, government officer. Ipa-lo-lockdown daw ni daddy ang buong city para kung sakali, hindi makalabas si Poppy kung saan man siya balak dalhin ng maid nila Chloe sa mansyon." Kahit magandang idea ang sinabi ni Summer, hindi ko pa rin magawang maging panatag hangga't hindi ko tuluyang nakikitang ligtas si Poppy. But thanks to Dad dahil malaking tulong ang gagawin niyang 'yon.

"Nahagip ba sa footage ang plate number ng sinakyan nila?" I asked her.

Umiling siya. "S-Sorry, Kuya Faith. Kasalanan ko." Biglang nagluha mga mata niya. "Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi magiging okay lang si Poppy."

I sighed and patted her shoulder. "Don't blame yourself, Summer. Let's just pray na sana okay lang si Poppy. Sige na. Aalis na muna 'ko, kailangan kong hanapin si Poppy."

"Sama ako, Kuya!" Agad siyang humabol sa 'kin kaya hinayaan ko na lang siya. Sumakay kami pareho sa sasakyan ko, katabi ko siya.

Habang nagmamaneho ako, si Summer naman ay abala sa pagtawag kina mommy, mommyla at sa dalawang kakambal ko para ibalita sa kanila ang kasalukuyang sitwasyon at baka sakaling makatulong sila sa paghahanap kay Poppy.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Five hours. Five agonizing hours had passed since Poppy went missing. I paced the living room, my stomach growling, but I couldn't bring myself to eat. How could I think about food when Poppy was out there, lost and scared? Every minute felt like an eternity, and each time the phone rang, my heart leapt only to crash when it wasn't the news I needed.

Sumugod na rin kami kanina sa mansyon ng mga Herald pero hindi namin nakita ro'n si Poppy. Si Jody lang ang inabutan namin do'n. Wala si Lucio at Chloe, maging ang maid na tinutukoy ni dad na nakitang umakay kay Poppy palabas sa campus ay wala rin sa mansyon.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon