Chapter 12. Hope's Pick-up Line

6.8K 122 12
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

HANGGANG ngayon ay nakaawang pa rin ang bibig ni Poppy habang nakamasid sa aming tatlo. Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ang mga suot namin. Siguro ay nagbase siya sa suot namin dahil kanina niya pa kami kasama ni Love simula nang mag-almusal. Kaya kay Hope siya bumaling. Dahan-dahan niyang nilapitan si Hope, inangat niya ang kamay niya at bahagyang tinusok ng hintuturo niya ang pisngi ni Hope, na lalo niyang ikinagulat. Dahil para bang nakumpirma niya na totoo si Hope.

"Ang galing ko, 'di ba? Ngayon naman, aalisin ko 'yong isa. Magiging dalawa na lang ulit sila. Pikit ka, Poppy." Si Summer. Bahagya niyang inilayo si Poppy sa harap ni Hope at inutusan ulit itong pumikit.

Sumunod siya.

Noong nakapikit na si Poppy, maingat at natatawang hinila ni Summer si Hope papunta sa likod ng couch at doon niya pinayuko para magtago. Napapailing na lang si Love habang pinanonood ang bunso namin.

Bumalik ulit si Summer sa tabi ni Poppy. "Abracadabra, abracadabra! Ang tatlong itlog aY muling magiging dalawa. One, two, three, voila!"

Unti-unting dumilat si Poppy at natulala siya sa amin ni Love dahil kami na lang ang nasa harapan niya. Mabilis niyang inikot ang paningin niya sa paligid, tila may hinahanap. Nang wala siyang makita, ibinalik niya sa amin ang tingin. "N-Nasaan na 'yong isa?"

"Wala na. Minajik ko na," natatawang sagot ni Summer, na halatang enjoy na enjoy sa pang-uuto kay Poppy.

Bumalik na kami ni Love sa pagkakaupo, gano'n din si Summer. Hinila niya si Poppy sa tabi niya na halatang naguguluhan pa rin. Ilang sandali pa, unti-unting dumungaw si Hope sa likod ng couch. Nasa tapat siya ni Poppy kaya naman kinalabit niya ito sa balikat at mabilis siyang yumuko nang lumingon si Poppy sa likuran. Nang walang makitang tao ro'n si Poppy, binalingan niya si Summer at nagtatakang tinanong, "Ikaw ba 'yong kumalabit sa 'kin?"

Kasabay ng pagsagot ni Summer ng "hindi" ay ang muling pagkalabit ni Hope sa balikat ni Poppy. Noong lumingin si Poppy sa likuran niya, 'tsaka sinabayan ni Hope ng pagtayo, dahilan kaya napasigaw si Poppy sa gulat.

Humalakhak si Hope at Summer sa nakita nilang reaksyon ni Poppy, habang si mom at dad ay nangingiti rin habang pinanonood sila.

"Gotcha, Poppy!" Umikot si Hope sa gilid ng couch para makalapit kay Poppy. Noong nakatayo na siya sa harap nito, ini-offer niya ang kamay niya. "Ako nga pala si Hope. Ang kaisa-isa, natatanging pinakanormal at may pinakamatinong pag-iisip sa pamilyang LEE. Hope Ryker Lee."

"Sa kabaligtaran." Summer even rolled her eyes.

Napakurap naman si Poppy nang ilang beses habang nakatingala sa nakangising si Hope, na mukhang proud na proud sa speech niya. Dahil halatang naguguluhan pa rin si Poppy at nagdadalawang-isip na tanggapin ang kamay ni Hope, si mommy na ang nag-explain.

"Poppy, kambal silang tatlo nila Love at Faith. Triplets sila. Hindi totoong minajik ni Summer si Hope. Galing lang s'ya bahay ng Tito Ryan n'ya kaya ngayon lang s'ya umuwi. Pinagkakatuwaan ka lang ng mga anak ko."

"Triplets?" mahinang sabi ni Poppy.

"Hay, naku, Poppy. Nangangawit na 'ko, hindi mo ba tatanggapin ang kamay ko? Mai-stroke na ako rito sa harap mo," Hope complained. Dahil doon, napilitan si Poppy na iangat ang kamay niya para tanggapin ang kamay ni Hope. Pero hindi inaasahan ni Hope na dadalhin ni Poppy 'yon sa noo niya. "Teka? Bakit ka nagmano sa 'kin? Mukha na ba 'kong matanda?"

Instead of replying, Poppy turned to mom. "Ano po 'yong triplets?" she asked in confusion, innocence evident on her face.

"Triplets. Kambal silang tatlo. Sabay-sabay ko silang ipinagbuntis."

"Ah. P'wede po pala 'yon?"

Tumabi sa kaniya si Hope. "Bakit hindi mo alam? Taga bundok ka ba?"

Umiling si Poppy. "Hindi. Taga sa amin lang ako. Hindi pa ako nakapunta sa bundok. 'Tsaka . . . p'wede bang tumira sa bundok? 'Di ba mataas 'yon? Paano makapagtatayo ng bahay ro'n?"

Napahawak si Hope sa batok niya, kunwaring nananakit. "Right. Oo nga naman. 'Di ko naisip 'yon. Sorry kung bobo ako. May pinagmanahan kasi ako." Sabay sulyap si Hope kay mom, pero agad siya nitong binato ng throw pillow. Maging si daddy ay napagsabihan si Hope.

"Kuya Hopia, 'di ba sabi mo may intermission number ka para kay Poppy?" Si Summer.

"Ay, oo nga pala. Sasayawan pala dapat kita pagdating mo. May intermission number akong hinanda. Pamilyar ka ba sa kanang 'Salamin?' 'Yong kay Bini Alcasid? 'Yong, salamin, salamin, salamin sa takdang panahon. Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon?"

Umiling si Poppy. "Hindi ko 'yon alam. Hindi ako marunong kumanta."

Hindi nawawala ang ngiti ni mom, dad, Summer at ako, habang pinagmamasdan namin si Poppy na nakikipag-interact kay Hope. Seryosong-seryoso ang itusra niya kahit na dino-dogshow lang siya ni Hope. She's really innocent.

"Sige. Sasayawan kita." Tumayo si Hope at pumuwesto sa gilid kung saan may sapat na space. Nagsimula siyang sumayaw habang sinasabayan ng mash-up song niya. But our attention wasn't on Hope. It was on Poppy. Because as Poppy watched him dance, she couldn't help but smile uncontrollably. Unaware, her hands lifted slightly, and she unconsciously started to clap along with Hope's rhythm.

Summer turned to us with wide eyes and mouthed, "Omg. She's smiling!"

Even Mommy, Daddy, and Love were captivated by Poppy's smile, seeing it for the first time. Pero ako, hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang nakangiti. Nakita ko siyang ngumiti noong gabing naliligo siya sa ulan. And now, it seemed that the high wall she had built around herself, which we felt when they arrived earlier, was slowly melting away. She seemed to be becoming more comfortable with us.

Hinihingal si Hope nang matapos siyang sumayaw. Bumalik siya sa couch, sa tabi ni Poppy habang nakangiti pa rin ito. "Marunong ka naman pa lang ngumiti, sana kanina mo pa ginawa. Kinabahan ako sa 'yo. Akala ko mas masungit at istrikto ka pa kaysa kay dad."

"Kaya nga, Poppy." Si Summer. "Ngumiti ka na lang palagi. Mas cute ka kapag nakangiti. Tingnan mo, oh. Noong ngumiti ka, napangiti rin kaming lahat." Tinuro pa ni Summer si Mom, Dad at kami ni Love.

Saglit kaming sinulyapan ni Poppy, pero agad din naagaw ni Hope ang atensyon niya nang sabihin nitong, "Dahil d'yan, may pick-up line ako sa 'yo, Poppy!" Hope grinned before he continued. "Are you an angel? Because with you, I've found HOPE for a brighter tomorrow, FAITH that true love exists, and a LOVE that makes every day worth living."

"Hoy! Bakit kayo lang?! Nasaan 'yong SUMMER do'n?!" Summer complained in annoyance.

"Okay. Sige. Take two. Pops, are you an angel? Because with you, I feel HOPE in every sunrise, FAITH in every warm breeze, and LOVE as endless as the SUMMER days."

Pops? Inang 'to! H'wag n'ya sabihing tipo n'ya si Poppy? Minor pa si Poppy!

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon