✧FAITH ZEICAN LEE✧
ISANG linggo na ang lumipas matapos ang panunugod ni Chloe sa bahay, at ngayon lang kami ipinatawag ng mga magulang ni Poppy, dinner at para na rin daw makausap kami. Si mommyla ang nagparating sa 'kin na kailangan naming pumunta ngayon sa mansyon ng mga Herald.
Last week kasi dapat kami pupunta oras na makabalik kami after ng kasal, pero hindi 'yon natuloy dahil nga sa eskandalong ginawa ni Chloe. Idagdag pa na sinabihan kami ni mommyla na huwag munang magpakita sa parents ni Poppy at hintayin muna naming humupa ang init ng ulo nila dahil no'ng time na dumeretso sila ro'n para ipaalam ang kasalukyang sitwasyon namin ni Poppy—na kinasal na kami—ay matindi raw ang galit ng mag-asawang Herald, lalo na si Lucio.
Pero ngayon, kailangan na naming silang harapin. Gusto pa sanang sumama ni mommy at daddy dahil nag-aalala sila sa 'min ni Poppy, pero ako ang nag-insist na huwag na lang. Kaya ko na 'to. Kakayanin.
"Poppy?" I called out softly. "Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Nakahinto na ang sasakyan ko sa harap ng mansyon nila, pero hindi pa rin kami bumababa. Ilang minuto na kaming nasa loob, tulala siya at kabado. Ramdam ko 'yon dahil hawak ko ang isa niyang kamay at bahagya 'yon nag-s-shake. "Gusto mo bang umuwi na lang tayo? Puwede namang sa ibang araw na lang tayo bumalik—"
Nilingon niya agad ako and she cut me off. "Ngayon na. Kung uuwi tayo, hindi rin ako mapapalagay. Kahit magalit man sila sa 'tin ngayon, ang mahalaga, hinarap na natin sila. Kasama naman kita kaya hindi ako matatakot."
"Pero nanginginig ka." Sabay baba ng tingin ko sa kamay niyang hawak ko pa rin. Inangat ko ang mukha ko sa kaniya at nakita kong napalunok siya sa kaba.
"Ninenerbyos ako, Faith. Iniisip ko kasi... p-paano kung saktan nila tayo? Paano kung hindi na nila tayo palabasin sa mansyon at pati ikaw ikulong nila rito?"
"That's not going to happen. 'Di baleng saktan nila 'ko, tatanggapin ko 'yon. Pero hindi ko hahayaang pagbuhatan ka nila ng kamay sa harap ko. I'll be your protector, Poppy. Magtiwala ka sa 'kin, hmm?"
Nakita kong nagtaas-baba ang dibdib niya, parang nakahinga nang maluwag. 'Tsaka siya tumango sa 'kin. "Salamat, Faith."
Nauna 'kong bumaba sa sasakyan at mabilis na umikot sa side niya para pagbuksan siya ng pinto. In-offer ko muli ang kamay ko sa kaniya to help her out. Matapos kong isara ang pinto ng sasakyan, inakay ko na siya patungo sa mansyon.
Pagtapat namin sa malaking entrance, I felt my heart pounding, echoing the tension in Poppy's hand gripping mine. The ornate door loomed before us, a formidable barrier between us and the confrontation we had been dreading. Poppy glanced at me, her eyes filled with anxiety.
"F-Faith," she whispered, her voice trembling.
I tightened my grip on her hand, trying to infuse my calm and reassurance into her. "Basta tandan mo, hindi ko hahayaan na saktan ka nila. Hindi rin ako aalis sa tabi mo. I promise."
Taking a deep breath, we walked hand in hand up the stone steps and into the mansion. The grand foyer was as intimidating as ever, with its high ceilings and elaborate decorations. The echoes of our footsteps seemed to announce our arrival to the entire house.
As we entered the drawing room, we were met with the cold, stern gazes of Poppy's parents. Her stepmother stood by the fireplace, her lips pressed into a thin line. Her father, seated in a high-backed chair, looked a mixture of disappointment and anger.
Agad humakbang si Mrs. Herald palapit sa 'min. Paghinto niya sa harap namin, una niya 'kong tiningnan at umirap siya. Sunod niyang nilipat ang tingin kay Poppy at sinamaan din ito ng tingin.
"Kaya ba gustong-gusto mo noon na pumupunta sa bahay ng mga Lee dahil plano mong akitin at landiin ang fiancée ng ate mo?" malamig at may panunumbat niyang sabi.
I felt Poppy shiver, but I kept my hand warm and steady in hers. Napayuko siya at ramdam na ramdam ko ang nerbyos niya, so I stepped forward, shielding her slightly with my body. Gusto kong maramdaman niya na safe siya.
Naglipat ng tingin sa 'kin si Mrs. Herald nang makita niya ang ginawa ko at lalo kong nabakas sa mukha niya ang pagkairita. Nasa likod na rin niya ngayon ni Lucio, madilim na rin ang tingin sa 'kin pero halatang nagpipigil.
"Mr. and Mrs. Herald," I began, keeping my voice calm but firm, "I understand why you're angry. My actions have hurt Chloe and disrupted your family's plans. Pero sana alam n'yo rin na simula pa lang, si Poppy na ang ipinagkasundo sa 'kin. Kung hindi n'yo sana binago ang napagkasunduan noon, wala tayong magiging problema ngayon."
Jody huffed, rolling her eyes. "So, sinasabi mo na mas gusto mong pakasalan si Poppy kaysa kay Chloe?"
Walang alinlangan akong tumango. "Yes."
"Kaya kayo nagtanan at nagpakasal nang walang pasabi? Hindi mo ba alam na kawalang respeto sa 'min at kay Chloe ang ginawa mo, Faith? Engaged na kayo ni Chloe no'ng tinanan mo si Poppy! Hindi ka na nahiya! Sinaktan mo ang anak ko!" Tuluyan nang tumaas ang boses niya.
While Poppy's father, Lucio, glared at me with unrestrained fury. The tension was palpable. The air was thick with unspoken accusations and anger. "You do realize," panimula niya, his voice filled with rage, "that we can charge you with kidnapping, lalo na at minor pa si Poppy no'ng tinanan mo."
Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Poppy sa kamay ko nang marinig niya ang salitang kidnapping. I took a deep breath, meeting Lucio's fierce gaze head-on. "Go ahead, file the charges," I said firmly. "I will fight for Poppy, and we will also press charges against you for the abuse you inflicted on her, the threats to her life, and Chloe's assault on her."
The room fell silent. Poppy's parents exchanged shocked glances, clearly not expecting me to know about the dark secrets they had kept hidden. Namutla pa ang mukha ng daddy ni Poppy, and Jody looked visibly shaken.
"Kapag kami ang nagsampa ng kaso," I continued, "mas malaki ang problemang kahaharapin n'yo dahil sa mga ginawa n'yo simula pa noong limang taon pa lang si Poppy at sa plano n'yong pagkuha sa mga ari-arian na nakapangalan sa kaniya. Poppy can testify to all of it. However, because your daughter is incredibly kind, she would likely choose not to pursue it. Mas gusto niya ang tahimik na buhay, at 'yon din ang hihilingin ko sa inyo lalo na ngayong kasal na kami. Hayaan n'yo na lang si Poppy. Ako na bahala sa kaniya. Hindi namin siya pababayaan." I paused for a moment at magkasunod silang tiningnan. "Ngayon, kung dadalhin n'yo pa rin ako sa korte, we will fight back. I won't let you go unpunished for everything you've done to my wife, including what Chloe has done. The choice is yours," hamon ko sa kanila.
Lucio's anger seemed to drain away, replaced by a flicker of fear and uncertainty. He opened his mouth to speak, pero walang lumabas na salita ro'n. Gano'n din ang stepmom ni Poppy na si Jody, natahimik na rin siya at bakas ang gulat sa mukha.
Ramdam ko ang pagkalma ng kapit ni Poppy sa kamay ko, and I could feel her relief mingling with my resolve.
"Aalis na kami. 'Tsaka na lang namin tatanggapin ang imbitasyon n'yong dinner kapag handa na kayong harapin kami ni Poppy bilang mag-asawa." Saktong pagtalikod namin kay Jody at Lucio, napahinto kami dahil natanaw namin si Chloe sa 'di kalayuan. Masama ang tingin niya sa 'min ni Poppy, lalo na sa kamay naming magkahawak.
Para inisin siyang lalo, binitawan ko ang kamay ni Poppy at inakbayan siya. Kinabig ko siya nang husto sa katawan ko, nakahawak ako sa kabila niyang braso at magkadikit ang katawan naming lumabas sa mansyon. Kahit man lang sa paraan na 'yon, magantihan ko si Chloe sa pananakit niya kay Poppy.
Pagbalik namin sa sasakyan, binuksan ko ang pinto sa shotgun seat at inalalayan siyang pumasok. No'ng nakapasok na rin ako, hindi na 'ko nag-aksaya ng oras at nag-drive na palayo sa mansyon.
Makalipas ang limang minutong pagmamaneho, no'ng tuluyan na kaming nakalayo sa mansyon, nagdesisyon akong igilid ang sasakyan at ihinto muna. 'Tsaka ko nilingon si Poppy. "Okay ka lang?"
She looked back at me. "Oo. Okay na. P-Pero . . . medyo kinakabahan ako."
"Saan?"
"Pa'no kung sampahan ka ng kaso nila mommy at daddy? Ayokong makulong ka." Paulit-ulit siyang umiling, may pag-aalala sa mukha niya. "Ayoko na magiging malayo ka at hindi na kita makakasama sa inyo."
Inabot ko ang isa niyang kamay at bahagya 'yon pinisil. "Huwag mo isipin 'yon, Poppy. Hindi ako makukulong. Sa itsura nila kanina, mukhang hindi nila pipiliing magsampa ng kaso dahil mas ma-t-trouble sila. Pero gaya nga ng sabi ko, kung pipiliin pa rin nila na idaan ako sa korte, lalaban ako. Ipaglalaban kita. Lahat ng ginawa nila sa 'yo. At kapag nangyari 'yon, isa lang pakiusap ko. Sana magtiwala ka sa 'kin at makipagtulungan. Dahil siguradong kakailanganin mong magsalita sa lahat ng mga nangyari sa 'yo simula pa noon."
Hindi siya agad nakakibo. Napatitig lang siya sa 'kin. Kasunod ng pagbuntonghininga niya ang pagtango niya. "Sige. May tiwala naman ako sa 'yo. At hanggang ngayon, tinatandaan ko pa rin 'yong sinabi mo na hindi mo 'ko pababayaan at poprotektahan mo 'ko."
A small smile tugged on my lips. "Now, smile. Mas maganda ka kapag nakangiti kaysa kunot ang noo at nag-aalala."
Her smile widened, her eyes twinkling with affection. "Ikaw rin. Mas guwapo ka kapag nakangiti. Pero guwapo ka rin naman kapag seryoso o kahit galit."
I felt my face heat up instantly. Quickly turning my gaze away, I hoped she wouldn't notice the sudden blush creeping up my cheeks. But it was too late; I could already hear her giggling softly beside me.
"Bakit namumula mukha mo?"
"Huh?" Hindi ko pa rin binabalik ang tingin ko sa kaniya. "Hindi naman," I mumbled, my voice barely above a whisper. I could feel my ears burning. My heart racing. Damn. I wasn't used to such direct compliments, especially from Poppy.
"Namumula kaya. Humarap ka sa 'kin." Nang hindi ako kumilos, agad siyang dumukwang at nagulat ako sa pag-angat ng kamay niya. Mabilis niyang ikinulong ang magkabila kong pisngi sa mga palad niya para kabigin ang mukha ko paharap sa direksyon niya. "Ayan, oh. Namumula," she said habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Pero bagay naman sa 'yo. Mas guwapo ka kapag ganiyan na medyo namumula ka." Her tone teasing yet sincere.
Binitawan na niya ang mukha ko at umayos na siya sa pagkakaupo. Ilang sandali pa 'kong nanatili sa pagkatulala dahil sa ginawa niya. No'ng makabawi ako, ako naman ang gumanti sa kaniya.
Dumukwang din ako palapit kaya awtomatiko siyang napalingon sa 'kin. Nagulat pa siya at napigil ang paghinga niya no'ng halos magdikit ang dulo ng mga ilong namin sa sobrang lapit ko.
Pakurap-kurap siya, clearly not comfortable by our proximity. No'ng hindi na niya kaya ang pagpipigil ng hininga, pinakawalan niya 'yon at tumama sa mukha ko ang mabango at matamis niyang hininga dahil sa strawberry juice na baon niya kanina no'ng umalis kami sa bahay. At kung ako lang ang masusunod, gusto ko pang ilapit nang husto ang mukha ko hanggang sa matikman ko ang manipis niyang labi na mamula-mula kahit walang anumang nakapahid do'n.
"See? Namumula ka rin," I teased her. Kasunod ang paghila ko sa seatbelt niya, inayos ko muna ang pagkaka-buckle no'n bago ako nangingiting lumayo. "Quits na tayo, ha?"
I started the car, pero hindi pa man ako nakakapagsimulang magmaneho nang bumulong siya. "H-Huwag mo na uulitin 'yon, Faith."
Binalik ko ang tingin ko sa kaniya, bahagyang kumunot ang noo ko. "Ang alin?"
Umangat ang isa niyang palad sa tapat ng dibdib niya at nilingon ako. "Muntik na kasing... malaglag puso ko."
I couldn't help but chuckle. "Poppy, hindi malalaglag 'yan. Kung mahulog man, ako bahala. Sasaluhin ko."To be continued...
Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. And please po, mag-vote kayo para lalo akong sipagin. Thank you! :)
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...