✿ SUMMER ✿
ISANG oras pa lang mula nang makaalis sina Kuya Faith at Ate Chloe nang dumating si Tito Ryan at Tita Wynter sa bahay para ihatid si Meng at Sunny.
"Uy! Narito na pala 'yong pinsan naming Disney Princesses!" Natatawa si Kuya Hope na sumalubong sa kanila. Kasama rin nila Tito Ryan si Moy, pero 'yong dalawang girls lang ang nakagayak dahil for girls only ang lakad namin ngayon. Pumayag sila dahil alam nilang kasama rin namin si Tita Baby. Pero wala pa ito, papunta pa lang.
"Kuya Hope, lumayo-layo ka muna. Maaga pa para manghiram ka ng mukha sa aso. Ganitong ka-a-attend ko lang ng Krav Maga lesson ko kahapon, sinasabi ko sa 'yo. Kahit ikaw ang pinakapaboritong pamangkin ni Daddy, hindi kita sasantuhin," lakas-loob na sabi ni Meng sa kaniya kaya natawa si Moy at ang parents niya.
"Ito naman! Gusto ko lang naman kayong ipakilala sa bago naming kapatid. Kay Sugarpops pampiyam-piyam!" Binalingan niya si Poppy sa tabi ko. Lahat sila ay nakatingin kay Poppy. "Sugarpops, ito nga pala si Meng, ang pinsan naming Disney Princess na android eighteen. At ito naman si Sunny, ang Disney Princess android seventeen."
Napailing na lamang ako sa kalokohan ni Kuya Hope. Mabuti na lang at dumating agad si Tita Baby kaya pinayagan na kami nila mommy na umalis. Nakakatuwa dahil suportado rin kami ni daddy sa pagsho-shopping para kay Poppy. Ang totoo nga ay ipinadala pa nito sa akin ang magic card niyang walang limit para 'yon daw ang gamitin namin.
Ako, si Tita Baby, Meng, Sunny at Poppy ang magkakasamang lumabas. Gamit namin ang sasakyan ni Tita Baby. Hindi ko na nagawang ipakilala nang maayos si Poppy kay Tita Wynter at Tito Ryan, pero sure akong si mommy na ang bahala sa part na 'yon, lalo na at narinig kong mag-stay roon sina Tito Ryan hanggang lunch time since wala rin silang masyadong ganap kapag weekend.
Speaking of lunch, hindi pa kami nananghalian kaya nag-decide muna kami ni Tita Baby na dumaan sa isang fast food. Noong nasa loob na kami, sa isang mesa na medyo malaki kami pumuwesto dahil lima kami.
"Ano'ng gusto n'yong kainin?" tanong ko sa kanila noong nakapuwesto na sila sa upuan. Kami ni Tita Baby, na nakatatanda ang nakatayo at mag-o-order ng foods namin.
"Two-piece chicken sa 'kin, with extra rice, large fries at coke float." Si Meng. Pero habang nagsasalita siya, kay Poppy ako nakatingin dahil nakayuko ito, halatang hiyang-hiya at parang kabado.
"Gano'n na lang din sa 'kin kay Ate Meng." Si Sunny.
"Ikaw, Poppy?" She immediately looked up at me and swallowed hard. I knew why she was nervous—it was probably about the money. Maybe she thought we were each paying for ourselves. She looked so worried that I quickly thought of something reassuring to say to ease her mind. "Sige na, sabihin mo na kung ano'ng gusto mo. Lahat ng gusto mong kainin. Sasamantalahin natin na kasama natin si Tita Baby dahil s'ya ang manlilibre sa 'tin." Tumawa pa ako nang bahagya.
Nang marinig niya 'yon, kahit papaano ay nakita kong kumalma ang mga mata niya. "Uh, ano . . . kahit ano na lang, ayos lang sa 'kin."
Napabuntong-hininga ako. "Sige. Ganito na lang. Ako na lang ang bahalang mamili ng sa 'yo." Ngumiti ako sa kaniya at niyaya ko na si Tita Baby sa counter.
Dahil credit card naman ni Tita Baby ang gagamitin namin, nag-order kami ng marami. Pinagparehas ko ang pagkain namin ni Poppy, at nag-add din kami ng maraming desserts. Habang si Tita Baby ay kaunti lang ang inorder dahil on diet daw siya.
Bumalik kami sa mesa matapos namin umorder. Wala pa 'yong pagkain namin dahil kasalukuyan pang pine-prepare at ipa-se-serve na lang daw 'yon sa table namin. Kahit papaano ay mukhang nagiging komportable na rin si Poppy kay Meng at Sunny dahil naabutan namin silang nagkukuwentuhan.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...