Chapter 55. Wedding Ring

6.4K 198 16
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

I FELT a surge of excitement as I closed my laptop and gathered my things. Wednesday ngayon and taking a half-day off was rare for me, but today was special dahil may pupuntahan kami ni Poppy.

Sinilip ko ang suot kong relo, I saw it was 11:10 AM. Matatapos ang tutoring session ni Poppy ng 12 noon, at gusto kong nasa bahay na 'ko kapag natapos siya. Alam na niyang aalis kami ngayon dahil nagpadala na 'ko ng text sa kaniya kanina. Pero hindi ko pa sinasabi sa kaniya kung saan kami pupunta.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko pa sa driveway ang sasakyan ng tutor ni Poppy kaya alam kong hindi pa ito nakakaalis. I stepped into the house at nasalubong ko si Poppy kasama ang tutor niya, palabas na sila. May bitbit na box ng cookies ang tutor niya at pareho silang nakangiti, mukhang may masayang pinag-uusapan.

Oras na makita ako ni Poppy, lalong lumapad ang ngiti niya kaya agad ko 'yon ginantihan. Paghinto nila sa harap ko, agad ipinakilala ni Poppy sa 'kin ang teacher niya.

"Siya si Ma'am Nicole," Poppy said. Alam niya kasi na hindi ko pa ito kilala dahil ngayon lang kami nag-abot. Kapag kasi dumadating siya rito sa bahay ay nasa company na 'ko, at kapag umuuwi naman ako sa hapon ay wala na ito.

"Hi, Sir Faith," nakangiting bati sa 'kin ng tutor ni Poppy, kasabay na in-offer nito ang kamay niya. "I'm Nicole Batara."

"Hi." I returned her smile as I shook her hand. She seemed young, probably around Tita Baby's age. Her kind face, framed by neatly pulled-back hair, radiated warmth. Her eyes sparkled with intelligence and kindness, making it easy to trust her. The way she dressed—simple yet professional—reflected her seriousness and dedication to her work.

Hindi na 'ko magtataka because my father had personally chosen her. Dad always had a keen eye for good character, and Nicole seemed to embody that perfectly. Kaya kampante rin ako dahil ramdam kong nasa mabuting kamay si Poppy. Isa pa, ramdam ko ang closeness nila the way na magbungisngisan sila kanina kaya alam kong panatag si Poppy sa kaniya.

"Uhm, bigay po ito ni Ma'am Keycee," dagdag ni Nicole nang makita niyang napasulyap ako sa box ng cookies na hawak niya. At lalo akong napanatag dahil hindi naman magiging gano'n si mommy kung hindi rin siya palagay rito.

Noong tuluyan nang nakaalis si Nicole, si Poppy naman ang hinarap ko. Nakangiti siya nang bahagya sa 'kin. "Saan tayo pupunta?" she asked with curiosity.

"It's a surprise. Magbihis ka na para makaalis na tayo at malaman mo na kung saan kita dadalhin," I said smiling, taking her hand in mine at inakay ko siya pabalik sa loob.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

We drove through the city, Poppy's curiosity growing with every passing minute. Nakailang beses na siyang nagtanong kung saan ko siya daldalhin, at hindi ko naiwasang matawa habang hinuhulaan niya ang pupuntahan namin. Ang una niyang sinabi ay Jollibee, park, street market, mall at cinema. Pero wala sa mga 'yon ang direksyon namin.

Makalipas pa ang ilang sandali, I parked in front of a tall, elegant building with a discreet sign: Lauren. It's a highly exclusive jewelry store known for its exquisite and unique pieces. Hindi basta-basta nakakabili rito ang kung sino lang kahit gaano pa kayaman o kasikat na tao.

Even Chloe, dahil nabanggit niya noon sa akin na kapag ikinasal daw kami, dito niya gustong bilhin ang wedding ring namin. Ako ang pinabibili niya dahil hindi siya makabili rito kahit na isa siyang Herald.

Pero ako, malaya akong makakapasok dito dahil bukod sa kilala ni daddy ang owner nito na si Mr. Lauren ay personal pa 'kong inirekomenda ni Uncle Julian sa may-ari. Pumasyal kasi sila sa amin no'ng Sunday, kasama ang kambal nilang si Jade at Jayden, maging ang bunso nilang babae na si Janiya.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon