✿♡ KEYCEE ♡✿
DINALA ko si Poppy sa guestroom na okupado niya para doon kausapin tungkol sa magiging set up nila ni Faith. Ang totoo, isang linggo bago pa man sila ikasal, nakapag-usap na kami ni Ace tungkol dito.
No'ng naisara ko na ang pinto at pareho na kaming nakaupo ni Poppy sa paanan ng kama, hinarap ko siya. "Poppy..."
"Po?"
"Dati kasi, no'ng akala namin na si Chloe ang mapapangasawa ni Faith, ang plano namin sana, ibukod sila ng bahay." Nanatili ang tingin niya sa 'kin, nakikinig mabuti. "Pero dahil ikaw ang pinakasalan ni Faith, nag-usap kami ng Daddy Ace mo na hindi muna kayo bubukod."
Tumango siya, bahagyang nakangiti. "Okay lang po. Mas gusto ko nga po rito. Mas masaya po akong kasama kayo."
Napangiti rin ako, kasunod ang paghaplos ko sa ibabaw ng ulo niya. "Naisip kasi namin ng Daddy Ace mo na mas mapapabuti kung dito muna kayo ni Faith sa poder namin. Isa kasi sa Ipinag-aalala namin kung sakaling bubukod kayo, ay 'yong pagtatrabaho ni Faith. Obligado kasi siyang pumasok sa company. Syempre, kapag pumasok siya, maiiwan ka sa bahay mag-isa. Ayaw naman namin 'yon, lalo na at hindi maganda ang sitwasyon mo sa pamilya mo at 'yong... tungkol sa banta sa 'yo noon ng parents mo." Alam ko na ang tungkol do'n. Hindi man binanggit sa 'kin ni Faith, pero pinarating sa 'kin ni mama matapos nilang mag-usap ng anak ko.
She nodded in understanding. "Opo, Mommy Keycee. Ayoko rin po talaga maiwan mag-isa sa bahay. Dito na lang po kami ni Faith."
I gave her a soft smile. "Isa pa, Poppy. Uhm. Alam mo naman, 'di ba? Na ang mag-asawa, lalo kapag kasal na, nagsasama na 'yan sa iisang kuwarto. Pero... uh, kahit kasal na kayo ni Faith, nagdesisyon kami ng Daddy Ace n'yo na hindi muna kayo magtatabi. Bukod pa rin kayo. Mananatili ka rito sa kuwarto mo, at siya naman mananatili ro'n sa kuwarto niya."
Hindi siya kumibo, nakatitig lang siya sa 'kin at nakikinig pa rin kaya nagpatuloy ako. "Alam mo ba? Ganiyan lang din ang edad ko sa 'yo noon no'ng kinasal kami ng Daddy Ace mo."
Bahagyang namilog ang mga mata niya. "Talaga po?" Her voice tinged with amazement.
I nodded. "Oo. At no'ng kinasal kami, nag-aaral pa 'ko. Kaya hindi muna kami nagsama sa isang kuwarto. Magkasama kami sa bahay, oo. Pero hindi kami nagtatabi sa higaan. Kaya gano'n din ang gagawin n'yo ni Faith, okay? Hindi muna kayo magtatabi dahil nagplano na kami ng Daddy Ace mo na pag-aralin ka muna."
Her eyes widened in surprise, a mixture of disbelief and overwhelming joy. "T-Talaga po? Mag-aaral po ako? Sa school? Sa labas po?" Sobrang ningning ng mga mata niya sa ideyang mag-aaral niya.
Tumango ako habang nakangiti. "Oo. Pero hindi pa agad-agad, Poppy. Kukuha muna kami ng personal tutor mo rito sa bahay para matutukan ka pa nang husto sa pag-aaral at dumami pa 'yong mga alam mo. Kapag okay ka na at kaya mo na, 'tsaka natin gagawin 'yong sinabi ni Daddy Ace mo noon na Alternative Learning System. Kapag natapos mo 'yon, may makukuha kang certificate. Kapag nakuha mo na 'yong ALS certificate na nagpapatunay na mayro'n kang parehong kakayahan tulad ng isang tradisyunal na high school graduate, puwede ka na naming i-enroll sa anumang dalawa, tatlo, apat, o limang taong degree programs sa college. At ang plano namin, sa Lee University ka mag-aaral. 'Yon 'yong school na pag-aari namin at Daddy Ace mo ang director do'n kaya mas mababantayan ka."
Tears welled up in Poppy's eyes as she absorbed my words. "Salamat po, Mommy Keycee. Sobrang excited na po akong mag-aral sa labas at makakilala ng ibang tao. Dati pangarap ko lang mag-aral sa school at magkaroon ng mga mababait na kaklase, pero ngayon, mukhang matutupad na 'yon."
"Oo, Poppy. Tutuparin natin 'yan. Alam kong hindi pa huli ang lahat kaya susuportahan ka namin ng Daddy Ace mo at ni Faith, okay? At para lalo pa 'yan maging posible, syempre, gagawin n'yo 'yong una nating napag-usapan. 'Yong pananatili n'yo sa magkaibang kuwarto. Kapag nakatapos ka na ng pag-aaral, at kapag ready na kayong bumuo ng sarili n'yong pamilya, 'tsaka na lang namin kayo papayagan na bumukod at magsama."
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...