Chapter 54. Hope's Diagnostic Ritual

6.6K 188 32
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

THE clock struck eleven, the soft chime barely audible in the stillness of the night. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ko, bahagya lang muna para makasilip ako sa labas. No'ng nakita kong madilim na at tahimik, nagdesisyon na 'kong lumabas.

Dahan-dahan ang pagsasara ko ng pinto, careful not to make a sound. The house was silent, everyone fast asleep. My heart raced with anticipation as I tiptoed towards Poppy's room.

I reached her door, slowly turning the handle and slipping inside. The dim light from her bedside lamp cast a warm glow over the room, highlighting her delicate features. Nakaupo siya sa kama at nakalingon sa direksyon ko, her eyes lighting up when she saw me. Without a word, I climbed into bed beside her, pulling her into my arms.

She giggled nang paulanan ko siya ng halik sa pisngi. Medyo hindi na 'ko nahihiya ngayon dahil isang linggo na 'kong pumupuslit sa kuwarto niya. Minsan nga kahit hindi pa siya nag-t-text, nauuna na 'kong pumunta rito. Tulad ngayon.

Tuwing alas onse ng gabi akong lumilipat dito dahil tulog na no'n ang pamilya ko, at babalik naman ako sa kuwarto ko tuwing alas singko ng umaga habang tulog pa rin sila.

Sa loob ng isang linggo na pagtatabi namin, wala namang nangyari. Puro lang kami yakap sa isa't-isa at halik sa noo, sa pisngi. Hindi na rin naulit 'yong pagnanakaw niya sa 'kin ng halik sa labi, na siya ko pa naman sanang hinihintay na gawin niya ulit.

"Faith, nakikiliti ako." Mahina siyang bumungisngis at tinulak ang mukha ko palayo sa kaniya. Pero yakap ko pa rin siya sa baywang kaya malapit pa rin kami sa isa't-isa. Malapad ang ngiti niya sa 'kin. "Tama na. Baka magising natin sila at mahuli tayong magkasama," mahina at natatawa niyang sabi.

"Ano naman? Mag-asawa naman tayo."

"Pero bawal pa kasi tayong magtabi."

"Bawal lang dahil iniisip nilang baka may gawin tayo. Pero wala naman tayong gagawin."

Biglang kumunot ang noo niya at saglit siyang natahimik. "Gagawin? 'Yon ba 'yong sinasabi sa 'kin ni Mommy Keycee na bawal tayong magkapatong habang nakahubad?"

I smiled a little and nod. "Mm. That's right."

Nilipat niya sa baywang ko ang kamay niyang nakahawak sa pinsgi ko—yumakap siya sa 'kin—kasunod ang pagbuntonghininga niya. "Hindi ko pa rin maintindihan kung ano'ng ibig sabihin no'n. Kung bakit nag-aalala sila sa 'tin. Sabi ng mommy mo, kapag ginawa raw natin 'yon, mabubuntis ako at magkaka-baby tayo. Pero bakit hindi naman ako nabuntis? Eh, 'di ba, nagkapatong na tayo no'ng unang gabing natulog ka rito? No'ng nalaglag ka at nahulog din ako sa ibabaw mo? Bakit hindi naman ako nabuntis?"

My heart skipped a beat. I knew Poppy was innocent, but her question still took me by surprise. I took a deep breath, wanting to explain it to her in a way that was both respectful and informative.

"Ganito kasi iyon," I began slowly, "nagsisimula 'yon sa tinatawag na s*x. Kapag ang isang lalaki at isang babae ay nagdesisyong maging malapit sa isa't isa, in a very special way, ginagawa nila ang s*x. Ibig sabihin, ang ari ng lalaki, pumapasok sa ari ng babae."

Bigla siyang nag-angat ng mukha sa 'kin. Her eyes widened slightly, but she nodded, encouraging me to continue. Pero parang mas nahiya na 'kong magkuwento ngayong nakatitig na siya sa 'kin. Mas okay pa kaninang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

"Tapos?" Binigyan niya 'ko ng mapang-usisang tingin.

"Kapag nangyari 'yon," I continued kahit nag-iinit ang mukha ko, "the man can release something called sperm. Ang mga sperm na 'yon, maglalakbay sa katawan ng babae to meet her egg, which is inside her. Ikaw, tulad mo, meron ka rin egg cells sa loob ng katawan mo. At ako naman, nakakapaglabas ako ng sperm." I paused a bit. "Kapag ang isa sa mga sperm ay nagtagpo sa egg, it can start to grow into a baby. Ang prosesong 'yon ay tinatawag na fertilization."

Poppy listened intently, her eyes never leaving mine. "Ah, parang katulad ng pagsasama ng buto at lupa? Noon kasi, kapag nagtatanim ako ng buto sa lupa at nagsama sila, tumutubo 'yong gulay," she said, her innocence making my heart swell with affection.

"Yes, exactly," I said with a smile. "Similar sila. Puwede mong ihalintulad ang sperm sa buto, at 'yong egg naman ang lupa. Together, they can grow into a baby."

Poppy's face lit up with understanding. "Ang galing," she whispered. "Hindi ko alam na gano'n pala ang proseso."

I brushed a strand of hair away from her face. "It's a beautiful process, Poppy, and it's important to understand it. Pero bagay rin 'yon na dapat mangyari lang kapag handa at gusto ng parehong tao na mangyari 'yon. At ang dapat lang na gumagawa no'n ay ang mag-asawa."

Poppy nodded again, her expression thoughtful. "Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit ayaw pa nila Mommy Keycee na magtabi tayo. Salamat sa pagpapaliwanag, Faith."

"You're welcome, Poppy," I said softly, pressing a kiss to her forehead. "I'm glad I could help. Kapag may tanong ka pa, huwag kang mahihiyang magtanong sa 'kin. Hmm?"

Humigpit ang yakap niya sa baywang ko at muling isinubsob ang mukha sa dibdib ko. Akala ko matutulog na siya, pero makalipas ang ilang minutong katahimikan, muli niyang inangat ang mukha niya sa 'kin at mahinang nagtanong.

"Hihintayin mo ba 'ko... hanggang sa maging handa na 'kong gawin 'yon?"

I paused, looking into her gentle, innocent face. I kissed her forehead, putting all my love and acceptance into that simple gesture. "Of course, baby. I'm willing to wait because I respect you. Mas mahalaga sa 'kin ang kasiyahan mo sa mga bagay na malaya mo nang nagagawa ngayon, tulad ng pag-aaral at pagkilala pa sa sarili mo, kaysa sa sarili kong pangangailangan."

Her eyes lit up, and she hugged me tighter. "Thank you, Faith. Napakasuwerte ko talaga sa 'yo."

"I'm the luckier one, Poppy," I replied, smiling. "As long as we're together, I'm willing to wait as long as it takes. Sige na. Matulog ka na. Ayokong napupuyat ang baby ko."

I hugged her tight. With her in my arms, I knew every moment was precious, and I was ready to wait as long as it took for her.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Kinabukasan,

Tinanghali ako nang gising. Pero nasa sarili kong kuwarto na 'ko. Nakalipat agad ako kaninang alas singko at natulog ulit. Hindi ako nag-alarm dahil sabado naman ngayon, wala akong trabaho kaya napasarap ang tulog ko, alas nuebe na nang magising ako.

Ginawa ko muna morning routine ko—naghilamos at nag-toothbrush—bago 'ko lumabas sa kuwarto. Nasa hagdan pa lang ako, tanaw ko na si Hope sa sala, kasama niya si Love. No'ng makita ko ni Hope na pababa, agad siyang umusog palapit kay Love at bumulong dito. Hindi ko alam kung ano'ng sinabi niya, pero halatang natatawa siya.

Bago ako makalapit sa kanila, tumayo si Hope, naglakad papunta sa kusina. Kaya si Love na lang ang inabutan ko sa sala.

"Nasa'n sila mom?" I asked him.

"Lumabas kanina pa. They have business to attend to."

"How 'bout Poppy?" Hindi ko kasi siya napansin. Usually, ganitong oras kapag sabado, gising na rin siya. Pero ngayon, hindi ko siya maramdaman sa bahay.

"Nagpasama si Summer saglit sa labas, may bibilhin lang daw."

Naupo ako sa katapat na couch at dinukot ang phone ko sa bulsa ng shorts ko para mag-text kay Poppy at tanungin kung saan eksakto sila nagpunta ni Summer. Matapos ko 'yon i-send, biglang bumalik si Hope sa sala, may bitbit na mangkok na may tubig at may hawak na kandilang may sindi.

"What are you doing?" kunot-noo kong tanong sa kaniya nang maupo siya sa tabi ni Love, kaharap niya 'ko. Nakalapag na sa center table 'yong mangkok.

"Tatawasin ko lang saglit si Poppy. Watch and learn." Sinimulan niyang ipatak 'yong luha ng kandila sa tubig. Pati si Love ay seryosong nakapanood sa ginagawa niya na hindi ko naman maintindihan.

Ilang sandali pa, dinampot niya 'yong nabuong mga patak ng kandila doon sa tubig na nasa mangkok, inangat niya 'yon at sinipat. Habang nakatitig siya ro'n, nagsalita siya.

"Makinig kayo. Ito 'yong nakikita ko sa pahiwatig ng kandila. Ang sabi rito, may masamang elemento na pumapasok sa kuwarto ni Poppy tuwing gabi at umaalis tuwing alas singko ng umaga."

What the heck?

He knew?


Nakangisi siyang bumaling sa 'kin, habang tulala ako. Inabot niya sa 'kin 'yong hawak niyang nabuong kandila. "Lagay mo 'yan sa ilalim ng unan ni Poppy. Ipaunan mo sa kaniya tuwing gabi para maitaboy niya 'yong masamang elemento na kamukha ko at kamukha ni Love." Sabay halakhak niya.

Inis kong tinimpal ang hawak niyang kandila kaya nalaglag 'yon sa center table. I leaned forward, nakatukod siko ko sa magkabilang hita ko at sinamaan siya ng tingin, sabay bulong, "Did you tell mom and dad?"

"Of course not, Faithfully!" natatawa niyang sagot. "Kay Love ko pa lang sinasabi. At huwag kang mag-alala, secret lang natin 'yan." Sumandal siya sa couch at nakangisi akong tinitigan. "So, how was your week-long escapade with Sugarpops? Did you two finally . . . ahem, cross that line?" He grinned.

Umiling ako. "No—"

"What?! Why?! Where?! When?! How?!" he exaggerated. "Katabi mo na ang palay, tutukain mo na lang, tinamad ka pa? Kay hina mo namang nilalang, boy! Gusto mo bang i-seminar kita?"

To be contiunued...

Don't forget to vote.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon