Chapter 32. Game Over

6.4K 145 21
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

NAGMAMANEHO na ako pauwi sa bahay. Madilim na sa daan dahil pasado alas siete na. Hindi katulad dati na alas sais pa lang nasa bahay na ako. Pero okay lang kahit late akong umuwi. Ang mahalaga, nabili ko ‘yong gusto ni Poppy na regalo para sa birthday niya.

Noong nakaraang linggo kasi na tinanong siya ni Summer noong naroon kami kina Mommyla, tumanggi siya. She said she didn't need a gift; it was enough for her to be with us on her birthday. That was so touching. Muntikan na akong maiyak. Lalo na at sa aming magkakapatid, ako ang may pinakamababaw ang luha.

Ganunpaman, hindi pumayag si Summer na hindi siya magsabi ng gusto niya because she said Poppy deserved a gift. At noong nagsalita na si Poppy, sinabi niya na gusto niya raw ng aso. Nami-miss niya raw kasi ‘yong aso niya dati noong bata pa siya—si Juana. ‘Yong aso raw na ‘yon ang naging palagi niyang kasama noon sa tuwing iniiwanan siyang mag-isa sa mansyon. Ito rin daw ang nakakatabi niya sa pagtulog simula noong pinalipat siya sa annex dahil bata pa siya noon at natatakot pang mag-isa sa gabi. Si Juana ang naging pamilya niya, kaya raw noong nawala ito noong eight years old siya, sobra ang lungkot niya at pag-iyak. Daig niya pa raw ang nawalan ng mahal sa buhay.

“Hi, Kuya Fa—” Hindi naituloy ni Summer ang pagbati sa ‘kin noong pinagbuksan niya ako ng pinto dahil nakita niya ang buhat kong aso. Nagningning agad ang mga mata niya. “Oh my gosh. A labrador? Kay Pops ba ‘yan?” tanong niya habang hinahaplos ang likuran ng aso.

I nodded. “Yep. Nasaan si Poppy?”

“Nasa kuwarto n’ya, sa guestroom. Nagbabasa.” After Summer mentioned it, I didn't hesitate for a second. I hurried upstairs to find Poppy. As I ascended the stairs, I heard Hope and Love calling my name from the living room, but I didn't glance back.

Pagtapat ko sa pintuan ng guestroom na kinaroroonan ni Poppy, kumatok ako. Dalawang beses. Makalipas ang ilang sandali, pinagbuksan niya ako. Agad niyang napansin ang buhat kong aso kaya nagulat siya.

“Kuya Faith...” hindi makapaniwala siyang sabi habang nakatingin sa aso. Bahagya pang namimilog ang mga mata niya.

Noong nabuksan niya nang maayos ang pinto, pumasok ako at nakangiting inabot ‘yon sa kaniya. “Ito na ‘yong regalo mo, Poppy. Sana nagustuhan mo.”

Wala sa sarili niyang kinuha sa ‘kin ‘yong labrador at kinarga. A broad smile spread across her face, though her eyes were red and teary. It seemed as if she might cry as she spoke to the dog, asking what its name was.

“Wala pa s’yang pangalan, Poppy. Ikaw ang magpangalan sa kaniya,” I told her.

Napangiti siya lalo nang balingan ako. “Sige. Chicken na lang.”

Kumunot ang noo ko. “Chicken? Aso ‘yan, bakit chicken?”

“Kulay fried chicken kasi ‘yong balahibo niya.” Ngumisi siya. She’s so cute. Bigla tuloy akong nahawa.

“Sure. Sige. Ikaw bahala, tutal sa ‘yo naman ‘yan.” Pinagmasdan ko siya habang masaya niyang buhat si Chicken. Ilang sandali pa, kumawala ito sa kaniya at pilit na bumaba kaya hinayaan niya. Pero naiwan siyang nakatayo sa harap ko.

“Maraming salamat, Kuya Faith. Salamat kasi may makakasama na ulit ako, lalo na kapag bumalik na ‘ko sa mansyon sa isang linggo,” naluluha niyang sabi.

I suddenly felt sad when she mentioned her leaving us next week. She's right, though. It's her third week here at home, and in just one more week, she'll be returning to their mansion. Malapit na rin bumalik si Chloe at inihahanda ko na ang sarili ko dahil alam kong aawayin niya ako. Simula kasi noong pumunta sila ni Tita Baby sa Singapore, we've been arguing a lot over messages. Naiinis siya kung bakit daw pumayag ako na magbakasyon si Poppy sa amin. Ang pangit daw tingnan dahil kapatid niya ito. Hindi ko na raw siya nirespeto bilang fiancé ko.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon