Chapter 51. Coffee Date

6.4K 243 26
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

SIMULA pa kaninang mag-drive ako palayo sa mansyon, pansin kong hindi inaalis ni Poppy ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko siya nililingon, pero mula sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin siya sa 'kin at nakatitig.

"Kaunti na lang, Poppy, matutunaw na 'ko sa titig mo," biro ko sa kaniya, bahagya akong nakangiti. "Puwede mo naman sabihin kung may dumi ako sa mukha o kung naguguwapuhan ka na naman sa 'kin."

Narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis. "Nakakahanga ka kasi." 'Tsaka niya pa lang inalis ang tingin niya sa 'kin, nilipat niya sa daang tinatahak namin while I continue listening to her. "Hindi ko alam na magagawa mong patahimikin si mommy at daddy, pati si Ate Chloe sa mga salita mo. Ako kasi, hindi ko 'yon kayang gawin. Natatakot ako sa kanila. Pero ikaw, ang tapang mo. Wala pang kahit sino ang nagtanggol sa 'kin nang gano'n. Ikaw pa lang. At ang sarap pala sa pakiramdam." She turned to face me again kaya binalingan ko rin siya. Nakangiti siya sa 'kin. "Feeling ko, wala nang mang-aapi sa 'kin."

Ginantihan ko ang ngiti niya bago ko ibalik ang tingin ko sa daan. "Hindi lang basta feeling 'yon, Poppy. Totoo na wala nang mang-aapi sa 'yo. Hindi ako papayag na meron."

Hindi siya sumagot, pero alam kong nasa akin ulit ang tingin niya. And again, mula sa gilid ng mata ko, pansin kong sinalo niya ang dibdib niya.

Smiling, I asked teasingly, "Bakit? Huwag mo sabihing muntik na naman malaglag puso mo?"

"Hindi. Ano, uhm... she stammered. "B-Bumilis 'yong pintig ng puso ko. Sobra."

Binalingan ko siya. Nakayuko siya at sapo pa rin ang tapat ng puso niya habang tila pinakikiramdaman 'yon. Dahil may café akong nakita sa gilid, sa bandang unahan namin, napilitan akong huminto muna ro'n sa parking space. 'Tsaka ko tuluyang hinarap si Poppy.

"Mabilis? Really?" pigil ang ngiti kong tanong.

Agad niya 'kong nilingon. But instead of answering, Poppy took my hand, her touch both soft and urgent. She guided it to her chest, placing it over her heart. The warmth of her skin against mine was electrifying, and I could feel the steady thrum of her heartbeat beneath my palm.

"Ayan. Nararamdaman mo ba?" tanong niya.

I closed my eyes for a moment, focusing on the rhythm of her heart. It was strong and quick, a vivid reminder of her emotions. But as I sat there, with my hand pressed against her chest, I noticed something surprising. My own heart began to mirror the cadence of hers, beating in sync with the rapid rhythm that matched the intensity of our shared connection.

Dinilat ko mga mata ko at tiningnan siya. Her face illuminated by the soft glow of the café's lights. She's innocently beautiful.

"Hindi," I lied. "Hindi ko maramdaman."

"Bakit hindi? Samantalang ako, ramdam ko. Naririnig ko pa nga 'yong pintig. Halika, pakinggan mo." Nagulat ako nang abutin niya ang likod ng batok ko at hinila ang mukha ko palapit sa dibdib niya. Nakatapat ang isang tainga ko sa tapat ng puso niya. "Naririnig mo ba?" she asked again.

Pero lalong wala na akong marinig ngayon kundi ang ingay ng sarili kong puso dahil sa posisyon namin—kung saan nakadikit ang pisngi ko sa medyo maumbok at malambot niyang dibdib. Damnit!

"Y-Yes. I feel it, Poppy." Napilitan na lang akong sumagot at inilayo na ang mukha ko sa dibdib niya bago pa tumagaktak ang pawis sa noo ko kahit malakas naman ang aircon sa loob ng sasakyan.

Poppy wasn't aware of what she's doing to me dahil sa sobrang inosente niya. Hindi niya alam na 'yong gano'ng kilos niya, muntik nang magpawala sa 'kin sa sarili at makalimutan ang bilin sa 'kin ni daddy.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon