Chapter 57. It's Chloe

5.9K 134 17
                                    

THIRD PERSON's POV

"Pasok ka muna dito, Poppy." Pinapasok ni Summer si Poppy sa loob ng cubicle. "Dito ka lang muna, ha? Hintayin mo 'ko rito, mag-a-attendance lang ako saglit. Malapit lang naman ang room namin, hindi ako magtatagal. Babalikan kita agad."

May pag-aalinlangan man kay Poppy ay napilitan na lamang siyang tumango. Noong nakaalis na si Summer ay 'tsaka niya isinara ang pintuan sa cubicle na kaniyang kinaroroonan para maghintay na lang. Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali, nakarinig siya ng mga yabag ng paa at boses ng mga kababaihang nagtatawanan. Pumasok ang mga ito sa restroom. Ang ilan ay inokupa ang ilang bakanteng cubicle dahil narinig ni Poppy ang malakas na pagsara sa pinto.

"Bilisan n'yo, ihing-ihi na 'ko!" sigaw ng isa.

"Teka! Kapapasok ko lang! 'Di pa nga ako nakakaupo!" sagot ng isang babae.

Nanatiling nakikinig si Poppy sa kanila nang bigla siyang magulat dahil may humampas sa pinto ng cubicle na kinaroroonan niya. "May tao ba diyan?" Boses ng babae.

Muling naulit ang kalabog na siyang sinabayan ng pagkabog ng dibdib ni Poppy sa kaba kaya kahit ayaw niya sanang lumabas ay napilitan siyang buksan ang pinto. Nahihiya siyang lumabas habang pinagtinginan siya ng dalawang estudyanteng babae na nakaabang sa pintuan niya, may pagtataka sa mukha nga mga ito.

"Taga rito ka ba sa department namin? Bakit ngayon ka lang namin nakita?" tanong ng isa kay Poppy, habang ang isa naman ay nagmamadaling pumasok sa cubicle na pinanggalingan niya.

Dahil hindi sanay si Poppy na nakikihalubilo sa ibang tao, lalo na at hindi niya kilala, nakaramdam siya ng kaba at pag-aalala. Kaya sa halip na sagutin ang babaeng estudyanteng nagtanong sa kaniya, nagmamadali siyang humakbang palabas sa restroom para hanapin na lamang si Summer.

The echo of her footsteps swallowed by the bustling noises of the school. She scanned the hallway, searching for Summer, but as the minutes ticked by, there was no sign of her. Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung saan ito hahanapin dahil hindi naman niya kabisado ang unibersidad.

"Ate Summer?" Poppy called out softly, her voice barely cutting through the chatter around her. Anxiety began to creep into her chest, tightening its grip with every passing second. The absence of Summer left her feeling uneasy, and a nagging sense of worry began to cloud her thoughts.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya at sa halip na ipagpatuloy ang paghahanap dito, Poppy decided to find Faith instead. Lumabas na lamang siya sa campus para doon hintayin si Faith dahil sigurado naman siya na babalikan siya nito sa school, at kung doon siya maghihintay sa gate ay mas madali siya nitong makikita.

She quickened her pace, navigating through the throngs of students, her eyes darting around in hopes of catching a glimpse of Summer. When she reached the entrance of the campus, the sun greeted her with its warm embrace, but it did little to calm her nerves.

Just as she stepped onto the sidewalk, a familiar figure approached her. It took Poppy a moment to recognize her, but the realization hit her swiftly—she was one of the maids from the Herald mansion.

"Poppy," tawag nito sa kaniya paglapit sa kaniyang harapan.

"Ate Elena?" Kumunot ang noo ni Poppy sa pagtataka dahil hindi niya inaasahang makikita niya rito ang isa sa mga katulong sa kanilang mansyon. "Ano po ang ginagawa n'yo rito?"

Bigla itong kumapit sa kaniyang braso, ngunit hindi gaanong mahigpit. "Gusto kang makausap ng Ate Chloe mo. Halika. Naroon siya sa sasakyan, hinihintay ka."

"Si Ate Chloe?" Lalong nagsalubong ang kilay ni Poppy, at hindi niya namalayan na naakay na siya ni Elena papunta sa sasakyang nakahinto sa kabilang side, sa tapat ng entrance ng campus.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon