2
TRY OUTS"Sure ka na ba talaga na gusto mong mag try out sa volleyball? Akala ko ba iiwanan mo na sa past yang paglalaro mo?" Si millie.
I made a promise to myself na iiwanan ko na ang paglalaro ko, pero kung ito lang rason para oras oras ay makasama at makita ko si maam autumn, then im willing to do this again.
Dati akong varsity ng vollyball sa dati kong school nung high school ako hanggang junior and senior high, pero due to accident, tumigil ako dahil halos mapilay ako dahil sa paglalaro ng volleyball dati. Pero ngayon. Sigurado na ako, na babalik na ako sa paglalaro, after 3 years.
1 week ko rin tong pinag isipan.
Bukas na ang try out ng volleyball, ang alam ko si estrella na ang magiging bagong captain ng volleyball team dahil pinasa na sakanya ni charlotte ang title na yun, since mahirap ang course ni charlotte at gusto na nitong mag focus sa pag aaral. ayon kay millie dahil pinsan nya si charlotte.
"Sure na ako, guys." Final na sagot ko sa tanong nila.
Gagawin ko to, its now or never.
-
"Congratulation miss laviste, for passing the volleyball try outs." Ngumiti ako ng pagkalake lake dahil sa sinabi ni coach lagman.
Nakipagkamay ako sakanila.Walang paglagyan ang kasiyahan ko dahil sa sinabi nya.
Alam ko naman na makakapasa ako dahil magaling naman talaga ako mag laro.
"Why didn't you join before? you are so good." Si maam sandy, isa sa head ng sports club.
Si maam autumn ang pinaka head dito, na syang dahilan kung bakit ako sumali dito.Sana pala noon pa ako sumali.
"I didn't join for some reason, maam." Nakangiting sagot ko sakanya.
"So, what makes you join this time? Kung kailan huling taon mo na."
Napatingin ako kay maam autumn na busy sa pag susulat sa bandpaper sa mahabang mesa na nasa gilid namin.Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot, dahil parang wala man lang itong pakialam saakin.
Ni hindi man nga lang nya ako nilapitan kanina, para tanungin kung anong ginagawa ko dito sa gym.
Gusto kong mag tampo, pero asan ang karapatan?
Muli kong binalik ang tingin ko sa kausap ko.
"I-I dont know maam." Sagot ko.
Ngumiti sila saakin bago nag paalam dahil may aasikasuhin pa raw sila.
Pagkaalis nila, muli kong binalingan si maam autumn, pero sana hindi ko na lang pala ginawa.
Nakangiti kasi ito ngayon, habang kausap ang taong matagal nya ng pinapantasya.
I even hear her congratulating her for being the new captain.
Yung taong nagpapaiyak sakanya ng paulit ulit, yun din ang taong nagpapangiti sakanya ng paulit ulit.
Mabilis akong tumalikod, para puntahan ang towel at tumbler ko.
Inis na umupo ako sa bench at uminom ng tubig.