28
DATE"Cassy, salamat. ingat ka pauwi." Paalam ko kay cassy bago ko binuksan ang sasakyan nya. Ngumiti naman sya at nag wave.
"I will. Thank you for the night, aki." Sabi nya. Tuluyan na akong bumaba ng sasakyan nya. Agad nya itong pinatakbo paalis. Nang mawala sya sa paningin ko pumasok na ako sa lobby ng building kung nasaan ang condo ko.
So far nag enjoy naman ako kasama si cassy pero wala talaga akong ma feel for her. Hanggang kaibigan lang talaga.
Pag dating ko sa condo ko, naligo saka ako pabagsak na humiga sa kama.
Im so tired tired tired.
-
"Take care, aki" ngumiti ako kay cassy.
"Thanks sa pag hatid." Sabi ko sakanya bago bumaba ng kotse nya. Hinatid nya ako dito sa harapan ng school.
Hinintay ko muna syang makaalis bago ako tumuloy sa pagpasok
Binati ako ng mga guard kaya binati ko rin sila pabalik. Tinignan ko ang orasan ko. Nanlake ang mata ko dahil late na ako ng halos 15 minutes sa practice namin.
Patakbo na akong pumunta sa gym at bago pa ako makarating may tumawag saakin.
"Thyler?" Usal ko pagkalapit ni thyler saakin.
"Aki, pwede bang manuod ka ng laro namin bukas?"
"Usap tayo mamaya, late na ako." Mabilis akong tumakbo papasok ng gym.
"You're late again, laviste." Kung dati si coach ang nagagalit saakin, ngayon si maam autumn na.
Bagot na bagot ang mukha nya.
Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nya na naiinis."S-sorry maa-"
"You are an irresponsible player, miss laviste. Next time, if you can't do your job properly, just quit"
Napalunok ako dahil sa mga narinig kong sinabi nya.
"S-sorr-"
"Lets start."
Seryosong sabi nya bago tumingin sa mga ka grupo ko na halos hindi makagalaw. Lahat sila napatingin saakin. Tumango lang ako sakanila. Pumunta na ako locker at pinasok ang mga gamit ko.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa locker.
Papunta na sana ako sa loob ng court, pero agad akong natigil dahil sa pag tawag nya saakin.
"Laviste, come with me." Seryosong sabi nya bago naglakad palabas ng gym.
Tinignan ako ng mga ka group ko.
Parang sila pa ata ang natatakot para saakin.Cant help them. Halos hindi na nga sila huminga habang nasa harapan nila si maam autumn e.
Lumunok muna ako bago ako naglakad palabas ng gym. Nakita ko sya sa may puno ng mangga sa gilid ng gym.
Walang student dahil class hour pa.
"Maam bakit nyo po ako tinawag?" Hindi makatinging tanong ko.