Chapter 3- sorry

265 6 0
                                    

3
SORRY

"O ayan tapos na, sabi ko naman kasi sayo e. Dapat hindi ka na sumali sa volleyball na yan." Sermon saakin ni millie, pagkatapos nyang e cold compress ang pasa ko at lagyan ng band aid ang sugat ko sa braso.
"Nakakuha ka na ng bagong kaaway, nagalit pa sayo si maam autumn."

"Tangina talaga ng ramulla na yan."

Sabay kaming lumingon ni millie kay sovanna na nanunuod lang saamin habang naka crossed arm.

"Mamaya lang talaga sya saakin." Bakas na bakas ang inis sa boses nya.
"Akala mo kung sinong maganda, e napaka pangit naman. Mas maganda pa sakanya si taguro." Tukoy nya sa alagang unggoy ng DVU.
"Binagay nya talaga ang ugali nya sa mukha nya."

Natatawang napailing na lang kami ni millie sa pinag sasabi ni sovanna. Lumalabas na naman kasi ang pagka brat nya.

"Hayaan nyo na muna yang ramullang yan. Akong bahala sakanya." Sabi ko na ikinangisi ng dalawa.

Kung kailangan kong ibalik ang pagka bitch mode ko, gagawin ko maipaalam ko lang sakanya kung sino ako. Maipaalam ko lang sakanya na hindi kami magkalevel.

"Sabihin mo lang pag kailangan mo ng backup." Si sovanna. Tumango na lang ako.

Sa totoo lang, kung hindi ako inawat ng mga player kanina, baka wasak na ang mukha ng ramulla na yun.

Sakanya ko nabigay lahat ng lakas ko kanina. Isang suntok lang, hiwa na ang kilay nya, paano pa kaya kung sunod sunod na suntok.

Sa loob ng apat na buwan, ngayon na lang ulit ako nakasuntok.

"Tara na nga, umuwi na tayo." Sabi ni sovanna.
Tumayo na rin ako at naglakad palabas ng canteen. Si millie, binalik muna ang hiniram na cold compress.

Pag dating namin sa hallway, natigil ako dahil sa taong makakasalubong namin.

Its her.

Maam autumn.

Yumuko na lang ako dahil natatakot akong makita ulit ang galit nyang mukha.

"Lets go." Rinig kong bulong ni millie, bago ako hinila. pero bago pa kami makalayo, narinig ko ang pag tawag sa pangalan ko ni maam autumn.

Yung second name ko pa talaga.

"Hillani."

"Dont look back." Bulong ni millie saakin.
God knows kung gaano ko na sya kagustong harapin, pero itong kasama ko, ayaw.
"Lets go." Hinila nya na ako palayo.
Narinig ko pang tinawag nya ako pero parang nawalan na rin ako ng pakialam.

"Im so proud of you beshie." Natutuwang sabi ni millie. Si sovanna naman naiiling na lang.

"Tama lang yung ginawa mong hindi pag pansin sakanya, para naman alam nya na nasasaktan ka rin, aki." Si sovanna.

Tama sila. Siguro tama na ang pagiging marupok.

"Siguro nalaman nya na, na hindi ikaw ang may gawa nun kay estrella, kaya ka nya gustong kausapin."

"What if mag sosorry pala sya?"
Mahinang tanong ko sakanila.

Nakatanggap ako ng batok sakanilang dalawa.

"Hoy, babaita. Sabi ka nang sabi sakanya na kelan ba sya titigil para hindi na sya masaktan, pero hindi mo naman maapply sa sarili mo ang mga advice mo sakanya. Hay naku."
Nauubusang pasensya na sabi ni millie saakin.
"Umayos ka girl, hindi ganyan ang akira, na kilala namin."
Hinawakan nila ako sa braso at inakay papunta sa sasakyan namin na nakapark sa dulo.

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon