Chapter 10- university ball pt.2

174 8 0
                                    

10
UNIVERSITY BALL PT.2

"Ganda ni maam summer at maam autumn." Natanggal ang focus ko sa cellphone at tumingin sa tinitignan ng mga tao.

Ay shet, halos malaglag ang pant- panga ko sa sobrang ganda ng dalawang professora na papasok sa door ng venue.

Fuck.

Lalo na si maam autumn.
Ang ganda nya sa suot na white gown, habang si maam summer naman ay naka navy blue gown.

Naka simple messy bun si maam autumn na may kaonteng strands na naiwan sa dalawang gilid ng mukha nya. Exposed rin ang makinis nyang leeg.

Oh god.

Habang si maam summer naman, nakalugay lang ang medyo wavy nyang buhok.

Oh men.

Grabe talaga ang magkaibigan na to. Masyadong sinalo ang kagandahan na pinaulan ng may kapal.

Para kaming aatakihin sa sobrang ganda nila.

Look at me maam.

Umaasa ako na lilingon sya saakin, pero hindi yun nangyari. Seryoso lang syang nakatingin sa daan, hanggang sa makarating sila sa table ng mga professor at mga meron high position dito sa school.

Naiiba ang table nila sa mga student. Kung kami pabilog, sila, dalawang pahabang upuan at nandoon ang mga non student, kasama ang mga guest at sponsor.

"Tangina, bhie. Kala ko wala ng gaganda pa kay, miss leviste, meron pa pala."

Rinig kong bulong ng mga student sa likod na table.

Rinig ko ang pag singhap ng ilan, kaya naman nilingon ko ang tinutukoy nila.

And there she is...

The great, Winter Estrella. Looking so fine on her black gown.

Para na naman akong nanliit sa sarili ko, dahil sa reaction ng mga tao. At sure ako na same ng reaction nila ang reaction ni maam autumn.

Ayaw ko syang lingonin para tignan ang reaction nya, dahil alam ko na masasaktan lang ako.

Yumuko na lang ako, at pinilit na magpakatatag.

"God, dumating na ang mag uuwi ng crown."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pero imbis na kumalma mas lalo lang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko ng umupo si winter sa tabi ko.

Great. Sya pala ang date ni jarren.

"Hi guys." Nakangiting bati nya saamin.
Tumingin sya saakin at ngumiti. Genuine na ngiti.

Sa totoo lang, hindi ko masisisi si autumn na minahal nya ang babaeng ito. Ang ganda nya, at bukod sa maganda, napaka bait pa nito. Nasa kanya ang lahat ng hinahanap ni maam autumn sa isang babae.

Si maam autumn, kahit cold yun, may tinatago yung bait. Mahilig yun tumulong sa mga taong kapos, sa mga taong kailangan ng tulong. Ang alam ko meron syang maraming charity.

Kaya nga daming events ang school dahil yung nakukuhang pera ng school dinodonate nya sa mga charity ng school. Pero bukod pa dun, dinadagdagan nya ito gamit ang sariling pera nya.

Ang alam ko nga, lahat ng players ng school magkakaroon ng event charity this year, pero hindi saamin mang gagaling ang pera, galing sa school budget.

Bawat sports team member, pag hahalo haloin sa sampong grupo at bawat grupo iaasign sa ibat ibang rurals area.

-

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon