16
PLAYERS MEETING"Kompleto na ba?" Tanong ni maam summer.
Nandito kami ngayon sa gym. May meeting kasi. Lahat ng different sports player ay nandito, kaya sure ako na about na ito sa charity event.
Igugrupo na kami into ten.
15 kami sa bawat grupo.
"Yes maam." Sagot ni callione selveria.
ang ssc president."Okey lets start."
-
"Nice, magkagrupo tayo, aki." Bungad saakin ni thyler pagkalapit nya. Ngumiti ako dito. Lakas din ng dasal nya. Hahaha winiwish nya kasi na sana maging magka grupo kami.
Bukod pa dun, ka grupo rin namin si winter at ang nakakainis na si ramulla. Bakit ba kasi hindi nabigyan ng suspension ang isang to sa ginawa nya kay winter? Marami pa kaming kasama sa grupo from others sport. Apat lang kami from volleyball team, at ang karamihan ay galing na sa iba. Ka grupo nga rin pala namin ang ex ni winter na si kice mendiola.
Inannouce din ang mga adviser na sasama sa bawat grupo. And ofcourse saamin sasama si maam autumn and maam summer. Sasama rin saamin si coach lagman and maam Sandy. Sasama rin saamin ang ibang member ng ssc. Sa team namin sasama si callione at ibang students volunteers ng school.
So bale 25 kami sa bawat grupo.Sa banaue kami naasign. Isang linggo rin kami.
And 2 days from now, ay aalis na kami. Nauna na din doon ang mga ipamimigay naming pagkain at gamit.Sabi dalawang araw lang kami mag dodonate, and the remaining days ay may mga gagawin kaming activity. part na rin daw yun ng training namin sa sports.
"Okey guys, go back to your class. Basta ah? Alam nyo na ang oras at araw ng alis nyo." Si callione.
Nag si yes kaming lahat, kaya kanya kanya na kaming tayo sa bench.
Agad na hinanap ko si maam autumn, pero gaya kanina ay hindi ko rin sya nakita.
Asan kayo yun.
Simula kaninang umaga hindi ko pa sya nakikita.
Kinuha ko ang phone ko. Tenext ko sya para tanungin kung nasaan sya, halos 10 mins din bago sya nag reply busy daw sya.Dumeretso ako sa canteen dahil kanina pa ako nagugutom. Wala ata sa office yung tagaluto ko. Usually kasi nag tetext yun na pumunta ako sa office dahil kakain na. Pero ngayon wala, kaya dito na lang ako kakain.
Si sovanna at millie, pinauna ko na, at nasa library sila ngayon tumatambay. Doon na lang ako tutuloy pagkakain ko. May 1 hour vacant kasi kami.
Habang nasa pila, napansin ko ang familiar na likod ng babae sa unahan. I know its her.
Ngayon ko na lang ulit sya nakita dito sa canteen. Tyaka nandito rin naman pala sya sa school, bakit di sya pumunta ng gym?
Sya pa man din ang leader ng sports club.
Lalapitan ko na sana sya pero agad akong natigil dahil may kasama pala sya.