27
AUTUMN IS BACKLumipas pa ang mga araw, linggo at buwan. Isang buwan na, isang buwan pa ang lumipas pero kahit isang paramdam wala akong natatanggap. Hindi na rin ako umaasa na babalik at mag paparamdam pa sya.
Halos mag dadalawang buwan na, mag dadalawang buwan na simula nung huli kaming nagkita. Tumigil na rin ako sa pangungulit sakanya.
Simula nung nag reply sya kay winter i month ago, hindi na ako nag try magparamdam pa sakanya. Feeling ko kasi wala rin naman sakanya yun, na wala ring kwenta ang mga pinag gagawa ko. Baka naiinis lang sya sa pangungulit ko kaya tumigil na ako.
Wala na akong pakialam kung babalik pa ba sya o hindi. Siguro ito na yung time, na itigil ko na ang kahibangan ko. Tanggap ko na na hindi ako importante sakanya.
Tanggap ko na.
Onte onte na ring nasasanay ang sarili ko na wala sya. May time na namimiss ko sya at gusto ko syang makita, pero pinapaalala ko sa sarili ko na kailangan ko na syang kalimutan.
Siguro hanggang dito na nga lang talaga kami.
"Cassy ano ba nakikiliti ako." Natatawang sabi ko dahil bigla na lang nya akong kiniliti. Pilit ko ring hinuhuli ng kamay nya.
Nang mahuli ko ang kamay nya mabilis ko syang hinila padapa sa katawan ko at niyakap. Mabuti na lang at hindi na sya kumawala. Naramdaman ko na niyakap nya rin ako.
Shes start courting me 1 week ago. Umamin sya saakin, 1 week after nya akong makita sa bar at dalhin sa condo ko. Kaya pala medyo iba ang trato nya saakin kumpara sa ibang intern sa hospital.
Minsan inaasar rin sya ng kambal nya pag magkalapit kaming dalawa, yun pala may gusto saakin ang bruha.Sa loob ng 2 weeks mas naging sweet sya saakin. She respect me alot. Hindi sya nagpupumilit sa mga bagay na ayaw ko.
Hinahatid sundo nya rin ako simula nung araw na umamin sya saakin. Gusto nga sana nyang mag transfer from MU to DVU pero hindi na sya pinayagan.
Hindi rin sya pinayagan umalis sa school na pagmamayari nila. Kaya ito stick kami sa hatid sundo nya na lang ako. Okey na rin dahil pagod ako sa hapon at hindi ko na kayang mag drive. Malapit na kasi ang school tournament kaya ito puspusan na ang pag papractice namin. Sa susunod na linggo school tournament na namin, dito sa school namin gaganapin.
Ayaw ko nga sana magpaligaw sakanya dahil baka masaktan ko lang sya pero sabi nya hayaan ko lang daw sya. Tatanggapin nya naman daw yun at alam rin naman nya na na baka walang puntahan itong panliligaw nya saakin.
Alam na rin pala nya ang sekreto ko. Secret na may gusto ako sa teacher ko. Nakuwento ko pala sakanya nung panahong lasing na lasing ako. Buti na lang at mapagkakatiwalaan sya.
"Bangon ka na, nagluto na ako ng breakfast mo."
Sabi nya. May practice kasi kami ngayon kaya maaga akong pupunta sa school."Ikaw? Wala ka bang pasok?"
"May duty ako sa hospital mamayang gabi. Sayang wala ka." Malungkot na sabi nya.
1 week ago pa simula nung last duty ko. Need kasi mag focus para sa paparating na laro.
Dalawang linggo lang naman akong hindi mag duduty."Pagkatapos ng tournament next week, magkikita na ulit tayo sa hospital." Sabi ko. Ngumiti naman sya bago tuluyang bumangon.
"Tangeks, may two weeks breaks kami after tournament" sabi ko sakanya.