Chapter 18-banaue pt.2

160 8 0
                                    

                                      18
                             BANAUE pt.2

Nauna si thyler para alalayan ako pababa ng bus. Mataas kasi ng kaonte ang bus na ginamit namin.
Lumapit kami parehas sa mga nakahelerang maleta para tignan kung nalabas ba ang mga gamit namin.

"So okey guys, lalakad tayo ng 15 minutes para nakarating sa pupuntahan natin. Hindi na kasi makakaakyat ang bus doon. Dont worry sa mga gamit nyo dahil isusunod yan nila." Rinig kong announce ni callione Naglakad na kami ni thyler papunta sakanila.

Umupo kami sa may malaking bato.

Hinanap ng mata ko si maam autumn. Nakita ko ito sa hindi kalayuan saamin, kasama yung lalakeng hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Kinuha ko ang phone ko para picturan yung lalake. Esesend ko kay kuya baka kilala nya.

Shit. bakit walang signal?

Nakasimangot na pinasok ko sa bag ko ang phone ko.

"Sige na, gumalaw na tayo, habang hindi pa mainit." Si maam sandy. Tumayo na kami ni thyler.

Nag simula na ring maglakad ang iba.
May tour guide din kami.

Sa huli kami ni thyler nag lakad, kasama si maam summer at maam autumn at yung lalakeng mukhang aso.

Yan ba ang mga taste ni maam?

Ang pangit pangit. Mas pago pa dyan ang kuko ko sa paa e. Ay hindi, respeto naman sa kuko ko. Kamukha nya yung asong may rabbies na pakalat kalat sa kalsada.

"Grabe ka naman summer. ayaw mo na ba akong makita? Parang kailan lang sa gc, excited kang makita ako"

sabi ng aso kay maam summer.

"Can you please shut up, dan? Ang ingay mo." Irita na sabi ni maam summer, pero natawa lang ang aso. Hindi ko rin napigilang mapahagikhik ng mahina.

"Porke masaya ka na e. Ayaw mo bang maging masaya rin itong bestfriend for life mo? Malay mo sagutin nya na ako, so parehas na kayong happy."

Corny amputa. Pero ano daw? Sagutin? So meaning, hes courting her? Pumayag ba sya magpaligaw?

"In your dreams, dan. Hindi ka nyan sasagutin, you're so full of yourself. Ayan ang pinaka ayaw nya."
Rebat ni maam summer.

"Akala mo lang yun, you dont know what we do behi-" natigil sa pagsasalita ang lalake dahil siniko sya ni maam.

What? Anong ibig nyang sabihin?

Ramdam ko ang pag sikip ng dibdib ko.

Agad akong nag iwas ng mabilis akong sulyapan ni maam autumn.

"S-sa unahan tayo, thy." Sabi ko sa katabi ko. Binilisan ko na ang paglalakad para sumama sa karamihan.

May nangyayare ba sakanila?

Anong ibig sabihin nung aso na yun?

"You okey?" Tanong ni thyler saakin.
Pilit akong tumango sakanya.
"Ako na magdala ng bag mo." Sabi nya.
Umiling lang ako. Kaya ko naman tyaka di naman mabigat.

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon