12
FAMILY DINNERTahimik lang kami parehas habang lulan ng sasakyan nya. Ihahatid nya ako sa bahay ngayon. Dapat sa mga kaibigan ko ako mag papahatid sa bahay pero sabi nya sya na daw, taposin lang daw nya yung last subject nya sa hapon.
6pm na ngayon.
Hindi na rin ako pumasok dahil sa taas ng lagnat ko.
Nagpapasalamat ako dahil hindi na kumalat pa sa buong DVU ang nangyari kagabe. Guard lang at malalapit saakin ang nakaalam.Mabuti naman dahil alam ko na pag pipyestahan nila ako kung nagkataon.
Kinapa ko ang sarili kong leeg para damhin kung mainit pa ako. Mainit pa pero hindi na kagaya nung kaninang umaga. Napangiti ako dahil naalala ko na naman kung paano nya ako alagaan.
Hindi sya pumasok ng umaga. inalagaan nya ako. Pinapainom nya ako ng gamot every 4 hours. Pinupunasan nya ako ng basang tela.
Bukod pa dun, ang nakapag pangiti talaga saakin, ay dahil magkayakap lang kami hanggang sa sumapit ang tanghali. We cuddle. Nilalamig kasi ako and she give me a natural body warm.
Pagkatapos ko mag labas ng mga nararamdaman ko kanina, niyakap nya ako at hindi na sya umalis sa tabi ko. Umalis naman sya pero para ipagkuha lang ako ng pagkain.
Hindi ko alam kung nag aassume lang ba ako o talagang may nararamdaman na rin sya saakin kahit kaonte. Iba kasi yung care nya saakin.
And she always initiate the kiss.
Kung wala syang nararamdaman saakin? Ano yun?
Unless she give me a mix signal.
Isa pa yung kiss na nangyayari saamin.
Lagi akong ginugulo ng isipin na to.It is genuine kiss or what?
"Where here." Seryosong sabi nya. Nawala sa pag iisip ang attention ko at napunta sakanya.
Tumingin ako sakanya. Ang seryoso na naman nya.Ang hirap nya basahin minsan talaga.
"Papasok po kayo?" Tanong ko sakanya. Tumingin sya saakin, pero agad rin akong nag iwas dahil ang seryoso talaga ng mukha nya.
"Yeah, just to say hi to tito and tita."
Sabi nya saka bumaba.
Akala ko pag bubuksan nya ako but no. Dumeretso lang sya sa backseat at kinuha ang mga gamit dun.
Napahinga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Sabay kaming nag lakad papasok.
"Autumn, hija. Nandyan na pala kayo. Sakto dating nyo prepare na ang dinner." Nakipag beso sakanya si mommy.
Ako naman umupo sa sofa dahil ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo anak?" Tanong saakin ni mommy after nya akong salatin at halikan.
"Susunduin ka sana namin kagabe kaso sabi ni autumn sya na daw ang bahala sayo at ihahatid ka nya pag okey ka na."Tumingin ako kay maam autumn. Nag iwas sya ng tingin.
"Im feeling better now mom."
Ngumiti ako kay mommy
"Gusto ko na po umakyat sa kwarto ko. Gusto ko magpahinga." Dugtong ko.
"Kakain pa."