Chapter 32- bunch of flowers.

192 8 0
                                    

                                      32
                      BUNCH OF FLOWERS

"Tangina, may patay ba?" Tanong ni sovanna.

Pati ako kinabahan. Malayo pa lang kami sa classroom, kitang kita na namin ang mga bulaklak na nasa labas ng classroom naka helera.

1 week lang kaming hindi pumasok e tas pag balik namin may ganito kaming madadatnan?

Kasama pa rin kasi ako sa breaks ng varsity player kaya nagkulong ako sa bahay sa buong breaks na yun. Tapos itong dalawa naman, straight ang duty sa hospital at ngayon na lang ulit nakapasok.

"Oo nga, andaming bulaklak."
Sabi rin ni millie.

Mabilis kaming naglakad papasok sa classroom.
Masaya naman ang mga classmates namin.

"Hoy, but pumasok ka na, aki." Sabi ni naya, ang president ng classroom.

"Anong nangyari? Bakit daming bulaklak sa labas?" Tanong ni sovanna. Natawa si naya.

"Its for, akira." Napakunot noo ako.
"Actually, 1 week ng may nagbibigay ng bulaklak dito. Iba ibang lalake at yung iba galing pa sa ibang university." Napatingin ako sa dalawang kasama ko.
"Tenext kita, hindi mo pala nababasa." Sabi nya.
"Dito sana sa loob namin ilalagay, kaso nagagalit si professor del valle, at pinalabas lahat."
Umalis na sya para bumalik sa upuan nya.

Nakarinig ako ng yapak sa likod namin. Nagkagulo na rin ang mga classmates ko sa pag balik sa kanya kanya nilang upuan.

Alam ko na kung sino ang pumasok. Hindi na ako nag abalang lumingon. Nag lakad lang ako papunta sa upuan ko. Yung dalawa nauna ng pumunta sa upuan nila na katabi ko lang. Mga gagu, hindi man lang ako niyaya.

-

Buong klase nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Minsan sumusulyap sulyap ako sakanya, at madalas ko syang mahuli na nakatingin saakin, pero hindi ko sya pinapansin at iiwas lang ulit ako.

May time rin na tinatanong nya ako na nasasagot ko naman.

Pagkatapos ng klase sumabay na kami sa agos ng mga classmate ko sa paglabas ng classroom.
Naiwan si maam autumn sa loob.

Niyaya ako ng dalawa para tignan ang mga bulaklak na nasa gilid ng classroom.
Kita ko na iniisa isa na itong damputin ng mga naglilinis sa hallway at pinapasok sa trashback.

"Micheal lacson." Basa ni sovanna sa sulat ng dinampot nyang bulaklak.

"Hi, miss laviste." Sabay sabay kaming napatingin sa lalakeng tumawag sa pangalan ko. Gwapo ito at matipuno. Kung hindi ako nagkakamali from polsci department sya base sa ID lace nya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang bulaklak.
Pink roses.

"For you." Inabot nya saakin ang bulaklak. Ngumiti ako sakanya at kukunin na sana ang bulaklak pero may taong dumaan sa gitna naming dalawa dahilan kung bakit nalaglag ang bulaklak na kukunin ko sana sa kamay ng lalake.

Napakunot noo ako bago ko sinundan ng tingin si maam autumn na dere deretso lang sa paglalakad.

Rinig ko ang hagikhik ng dalawa kong kaibigan.

Problema nun.
May sapak ata.

Ang lawak lawak ng hallway tapos sa gitna pa taalga sya dadaan?

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon