23
DEL VALLE UNIVERSITYAutumn babe:
"I want to see you, hillani."
Basa ko sa text ni autumn.
Dalawang oras na ang nakakalipas simula nitong text nya. May dalawang missed calls rin sya.Naka duty kasi ako ngayon dito sa hospital at breaktime namin, kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mabasa ang text nya saakin.
Tinignan ko ang oras ko.
2:30am.
6:30am pa ang out ko.
Tatlong araw na rin simula nung huli kaming nagkita.
Sunod sunod kasi ang duty ko. Kaya hindi ko sya mapuntahan sa school. Yung ipupunta ko sa school iuuwi ko na lang dahil sa sobrang pagod at antok, lalo at night shift ako palagi sa tatlong araw na sunod sunod.Nagpapaalam naman ako sakanya na hindi ko sya mapupuntahan at umookey naman sya.
Understanding masyado.
Pero ngayon, kailangan ko ata syang puntahan. She badly want to see me, kaya kahit antok at pagod, dadaanan ko sya mamaya. Tyaka last duty ko na rin ito ngayong week kaya okey lang.
Rereply na sana ako pero nag tawag na ang visor namin.
"The 30 minutes break is done, go back to work." Sabi nya habang nakatingin saakin. Ang creepy talaga ng visor namin na to. Saakin lang sya tumitingin na parang hinuhubaran ako.
Nagsitayuan na ang ibang kong kasamahan na intern saka sunod sunod na lumabas. Nagmadali akong ipasok ang phone ko sa bag saka ako agad na sumama sa isa kong kasamahan sa pag labas.
Ayaw ko na naiiwan, dahil nakakatakot ang visor namin na yun, feeling ko gagawan nya ako ng hindi maganda once na mag isa lang ako.
Ang creepy nya, para syang manyak. Pansin rin yun ng mga kasamahan kong intern. Palagi nila sinasabi saakin na mag ingat ako sa visor namin dahil parang may gusto daw ito saakin.
Hindi ko kasama si sovanna at millie dahil umaga ang shift nila. Ngayong week lang kami nag kahiwa-hiwalay sa shift. Nitong mga nakaraan na buwan ay palagi kaming magkakasama.
Ewan ko rin kung bakit sila nahiwalay saakin.
Isang grupo kami from our university e. Dapat magkakasama kami palagi, kaya gulat kami nung nag sabi yung visor namin na mag uumaga si millie at sovanna.-
"Uwi ka na aki?" Tanong saakin ni cassy. Kasamahan kong intern na galing sa Montefalco university.
"Breakfast muna tayo nila daryl." Yaya nya sakin habang naglalakad kaming tatlo papuntang parking.Kakatapos lang ng shift namin.
7:00am na rin.
"Im sorry, guys. Hindi ako pwede. Ang sakit ng ulo ko. Sa susunod, i promise sasama ako sainyo."
"Yeah sure. No problem. Basta sa susunod ha?" Sabi nya. Ngumiti ako sakanya bago tumango.
"Yeah, promise."
"Okey." Ngumiti si cassy bago kumaway.
"Bye, akira. see you next week." Kumaway ako sakanila ng kambal nyang si daryl bago ako pumunta sa kotse ko.Nag drive ako papuntang DVU. Halos dalawang minuto rin bago ako nakarating.
Nakangiting lumabas ako ng elevator dito sa floor kung saan ang office ni autumn at maam summer.
Pag dating ko sa harap ng office nya, kumatok ako ng dalawang beses. Sumandal muna ako sa dingding habang nag hihintay. Pagkalipas ng ilang sigundo, bumukas na ang pinto.