29
THE GIRL AT THE BAR"Bukas na ang tournament pero nagpapakalunod ka sa alak dito?" Saway saakin ni millie. Natawa ako ng pagak. Hindi ko pa pala nasabi sakanilang dalawa ni sovanna na hindi na ako maglalaro. Kila mommy ko pa lang nasasabi na hindi na ako maglalaro. Dito sa dalawa hindi pa dahil busy sila sa duty.
"Who said i play?" Natatawang sabi ko habang umiiling. Kinuha ko ang isang shots ng tiquila at tinungga ito ng deretso. Napapikit ako dahil sa pait na dumaloy sa lalamunan ko.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni sovanna. Humarap ako sakanilang dalawa.
"Makinig kayo dahil hindi ko na ito uulitin." Sabi ko.
"Yung professor kung magaling, hindi na ako pinaglaro sa sobrang galit nya dahil sa ginawa ko doon sa jowa nyang aso." Napakunot noo sila.
"Ngayon alam nyo na?" Tumawa ako bago ako gegewang gewang na tumayo. Pinigilan nila ako pero tinabig ko lang ang mga kamay nila.Naglakad ako papunta sa dance floor para makipag sayaw sa grupo ng mga magagandang babae na kanina pa lapit nang lapit saakin.
Agad kong pinulupot ang braso ko sa babaeng gumigiling sa harapan ko.
Sexy.
Ngumisi ako sakanya bago ko sinakop ang mga labi nya. Napapikit ako dahil lasang lasa ko ang alak sakanya pero hindi nag tagal naging comfortable na rin ako. Mas hinapit ko sya palapit saakin para mas palalimin ang halik na pinag sasaluhan namin.
Habang mas tumatagal mas sumasarap ang labi nya.
"WHOOOOO." Sigawan ng mga tao sa paligid.
"GOOOOO GIRRRLLSSS, MOORREEEE."
"Fuck, akira." May apat na kamay ang humila saakin at nilayo ako doon sa babae.
"Umuwi na tayo." Si millie.
"Pasensya na miss." Hinila nila ako palabas ng crowd."Nahihibang ka na ba?" Sigaw saakin ni sovanna habang patuloy akong hinihila palabas ng bar.
Natatawa pa rin ako.
"Ang sarap kaya. try nyo rin makipag halikan sa babae, mas magugustuhan nyo. Ang soft ng labi nila." Sabi ko.
"Tumigil ka na akira, alam ko na nasasaktan ka pero wag naman sana dumating sa ganito."
Naiinis na sabi ni millie.
"Nagbabago ka na."
Natawa ako."Wag nyo nga ako pakialamanan." Sabi ko na lang bago nag lakad pabalik sa bar.
"Umuwi na kayo." Sabi ko."Akira.." sigaw ni millie.
Hindi ko sila pinansin.Naglakad ako pabalik sa counter.
"5 shots of tiquila, mister." Sabi ko sa bartender.
"Sasamahan ka na lang namin." Si sovanna.
"2 shots of tiquila." Sabi nya sa bartender"Me too." Si millie.
Napangiti ako.
"Ganyan, ganyan ang kaibigan." Natatawang sabi ko. Umiling lang sila at tinignan ako na parang nababaliw na ako.
"Basta no more girls, akira." Sabi nila.
Tumango lang ako.Agad kong nilagok ang isang shots.
Apat na araw na ang lumipas simula nung huli akong nag practice. Simula nung araw na sinabihan nya akong hindi na ako maglalaro ay hindi na ako umattend sa mga practice.
Kahit isa sa mga team mates ko ay hindi rin ako kinausap. Even winter and coach. Siguro takot rin sila since nakagawa na ng desisyon si maam autumn.
Simula rin nun ay hindi na ako pumasok.
Gabi gabi ako lasing.