Chapter 45- The missing pieces

220 5 0
                                    

45
HEALING HER SCAR

Wala akong ibang ginawa, kung hindi ang umiyak nang umiyak dahil sa kwento ni autumn. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang pinag daanan nya sa kamay ng kanyang ama.

I can't believe that theres a father who would put their own child in danger just for their own interest.

After knowings autumns story, mas lalo kung na appreciate ang aking ama, dahil napakabuti nyang asawa at ama saamin nila mama at kuya ralph.

Pero hindi ko matanggap na ganoon ang pinag daanan ni autumn. Tama si tito richard, biktima lang si autumn ng sarili nyang ama.

Bata lang sya na pinilit gawin ang mga bagay na ganoon. Wala syang kasalanan. Minulat sya sa ganoong sistema. Her whole childhood, wala syang ibang nakakasama kung hindi ang mga tao sa mansion nila, at ang mga nakakausap nyang client nila.

Umuuwi sya nun sa pilipinas pero sandali lang, nanirahan lang sya dito ng totoo ay noong tumungtong na sya ng 22 years old.
At namulat sya ng totoo ay noong 18 years old sya, kung saan nag aaral na sya ng college at nalayo sakanyang ama.

My baby.

Gusto kong mag pasalamat ng personal kay winter, pero hindi ko naman pwedeng gawin yun dahil baka wala itong alam sa nakaraan ni autumn.

Kay danie na lang ako magpapasalamat. He was there. Sya ang kasa-kasama ni autumn mula noon at hanggang ngayon. Dahil sakanya ay kahit papaano ay nagkaroon ng pagkakataon si autumn na maranasan ang pagiging totoong bata noon.

Gusto ko rin humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan sakanya noon.

I feel bad.

"If you want to leave me, i fully understand hillani"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko syang nag salita. Ilang beses nya na yang sinabi saakin after nyang ekwento saakin ang nakaraan nya.

Tumingin ako sakanya, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot ng makita ko kung paano sya umiyak.

Kung ako nawawasak na yung puso ko, how much more sya? Habang kinikwento nya saakin iyon, nababalikan nya yung alaala ng nakaraan.

Umiiyak na gumapang ako papunta sakanya. Tinabi ko ang box ng baril para makadaan ako.

Pagkalapit ko sakanya, niyakap ko sya ng sobrang higpit. Gusto kong ipaalam sakanya na nandito lang ako sa tabi nya, at hinding hindi ko sya iiwan kahit na anong mangyari.

Hindi ko na kayang madagdagan pa ang sakit at sugat sa puso nya. Paulit ulit nyang sinasabi saakin na hindi nya na kayang mabuhay ng wala ako. Kaya ito ako mananatili sa tabi nya para bigyan sya ng buhay.

"I-im sorry, hill-"

"A-autumn, its okey." Putol ko sakanya.
"Kung iniisip mo na hindi kita matatanggap, nagkakamali ka. Tanggap na tanggap kita mahal ko."
Tinignan ko sya. Tinanggal ko rin ang hibla ng buhok na dumikit na sa mukha nya dahil sa luha.
"Look at me." Sabi ko sakanya.
Umiling sya.
"Sorry for what you went through, love. I know that it is not easy to forget, pero hayaan mo akong tulungan ka." Dahil sa sinabi ko, tumingin na sya saakin.
Ngumiti ako sakanya.
"Lets replace that pain with love and happiness."
Tumango sya saakin bago ngumiti.

"I love you so much, my hillani." Niyakap nya ako ng napakahigpit. Pumikit ako habang nakangiti.

"I love you more, mahal ko."

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon