11
UNIVERSITY BALL PT.3"The prince of the night goes to....." naka crossed arms lang ako dito habang hinihintay ang announcement ng host.
"NO OTHER THAN... THYLER VASQUEZ...."
Napuno ng palakpakan ang venue.Napangiti ako at nag thumbs up kay thyler ng tumingin sya saakin. Ngumiti rin sya bago sya tumayo At naglakad papuntang stage.
Naandon si maam autumn at tito richard, ang daddy ni maam autumn. Sila kasi ang nag susuot ng crown sa mga nanalo.
Pagkatapos nila maisuot kay thyler ang crown, umupo na si thyler sa upuan na nasa gitna, doon muna sya dahil sasayaw pa sila ng babaeng mananalong princess of the night. Bukod pa dun, isasayaw rin nila si maam autumn at tito richard.
Every year, sinasayaw rin ng nanalong princess of the night si maam autumn. Kaya sana ako ang manalo this year.
Last year ko na to god, kaya ibigay nyo na saakin to.
Ang lake ng ngiti ni thyler.
Simula ata second year kami, sya na ang may hawak ng upuan na yan. Ang babae lang ang papalit palit, every year.
"LETS GO TO, PRINCESS OF THE NIGHT." Sabi ng host.
Napapakagat labi ako dahil hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaba.
Umaasa ako na ako ang mananalo.
Pero nakakakaba rin itong babaeng katabi ko.
Baka kasi sya ang manalo.
"Who do you think will take home the princess of the night crown?" Tanong ng host.
Kanya kanya namang sigawan ang mga tao.
Pero ang mas nakakagulat, ay ang nangingibabaw na boses ni sovanna at millie.
"THE WALKING MAMA MARY." Sabay na sigaw nila.
Halos gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan. Lahat kasi ng tao, napatingin saakin.
Parang aware sila na ako ang tinutukoy ng dalawa."WINTER ESTRELLA."
Sigaw rin ng ibang tao."ME"
At of course di papatalo ang mga self confidence.
Marami pa silang sinigaw na pangalan, pero isa lang ang nakapagpakaba saakin. Ang pangalan nitong katabi ko.
Grabe ganoon na ba ako ka bitter sakanya?
Samantalang parang wala naman syang pakialam sa crown na yan. Ngumingiti sya pero parang wala naman syang pakialam kung mananalo sya o hindi.
"Okey this is it." Sigaw ulit ng host.
Napahigpit ang hawak ko sa edge ng upuan ko.
"THE PRINCESS OF THE NIGHT, IS......"
Natawa ang host sa sigawan ng mga tao.
"ISSS..... WINTER ESTRELLA...."Para akong binagsakan ng langit pagkarinig ko sa pangalan ng babaeng katabi ko.
Ramdam ko ang pag sikip ng dibdib ko.
Parang binibiyak ang puso ko.
Yung mahigpit na hawak ko sa upuan ko onte onteng lumuwag, kasabay ng pag bagsak ng balikat ko.
Nagawa ko pa ring pumalakpak at ngumiti ng pilit.
Tumayo na si winter at nag lakad papunta sa stage.
Kitang kita ko kung paano ngumiti si maam autumn habang nilalagay nya ang crown sa ulo ni winter.
May sinabi pa sya kay winter na nakapag pangiti kay winter.