Chapter 22- Banaue pt.6

176 5 0
                                    

22
BANAUE PT.6

"Okey na kayo?" Agad na bungad saamin ni callione pagkabukas ko ng pinto.

"Yes pres." Sagot ko. Tumango sya.

"Aalis na tayo." Sabi nya bago sya umalis. Inakbayan ako ni winter at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
Magkadikit kaming pumunta sa dalawang propesora na magkatabi.

May hawak silang tag dalawang tungkod. Binigay nila saamin ni winter ang tag isa.

Pansin ko ang mga tingin saakin ni winter. Actually kaninang umaga pa sya titig nang titig saakin na para bang inuusisa ako.

"Sandali nga" tinanggal ni winter ang pagkakaakbay nya saakin "Parang blooming ka ngayon." Sabi nya.

Agad akong namula sa sinabi nito.

Naalala ko kasi yung mainit na pinag saluhan namin ni maam sa ilalim ng puno at sa ilalim ng maliwanag na buwan.

"Araw araw naman akong maganda."
Agad na bawi ko. Mabuti na lang talaga at mabilis ang utak ko, kaya hindi nya mahahalata na kabado ako.

Ngumiti ito saakin.

Ang ganda talaga ng ngiti ng babaeng ito.

"Tigilan mo nga yan si akira, winter."
Saway sakanya ng girlfriend nya.
Tumingin si maam summer kay maam autumn, na nagkukunware na walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

Sinulyapan nya ako ng mabilis bago tumingin kay maam summer na nakatingin sakanya.

"What?" Seryosong tanong nya sa kaibigan.

"Wala naman." Tinignan ako ni maam summer at ngumiti.

"Guys, lakad na tayo para bago dumilim nasa tuktok na tayo." Sigaw ni callione sa unahan.

Nagsimula ng maglakad ang mga kasama namin.

Sumunod kaming apat sakanila.

Nasa huli kami ni maam autumn.

May dala rin syang bag kung saan nakalagay ang gamit nya. May dala rin akong bag na nag lalaman ng tubig, powerbank, isang pares ng sapatos and damit.

"Mabigat yang dala mo?" Tanong ko sakanya.
Tumingin sya saakin at umiling.

"No" sagot nya.
"You?" Tanong nya rin saakin na sinagot ko rin ng iling. Ngumiti lang sya.

May dalawang lalakeng tour guide din sa likod namin.

"Autumn." Napasimangot ako dahil sa lalakeng naglalakad palapit saamin ngayon. Kita ko rin ang pag bago ng expression ni maam. Dumilim ang aura nya.

Hindi talaga maiwasang may panira sa moment naming dalawa.

Akala ko naglaho na ng tuluyan ang lalakeng ito. Kasama yan doon ni sir lagman sa harapan e.

Kakabwesit talaga.

Tuluyan na syang nakalapit saamin.

"Ayaw mo sa harap mag lakad?" Tanong nya kay maam autumn.

"No, i want here." Tumingin saakin si maam autumn.
"Akala ko sasamahan mo si mister lagman sa pag assist sa students"
Tanong nya.

"Yeah, i just came here to ask you." Sagot ng lalake.
"Im okey here. Please, secure the safety of the students, dan." Sabi nya sa aso. Ngumiti naman ang aso.

"Yes boss." Sumaludo ito, saka nag madaling umalis.

Parang tanga.

"Autumn." Tawag ko sakanya habang nakatingin pa rin sa harapan. Pansin ko ang pag tinginan ni winter at maam summer saka ngumiti sa isat isa.

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon