Chapter 31- Tournament finale

194 7 0
                                    

                                      31
                     TOURNAMENT FINALE

Mabilis na lumipas ang araw at ito, tatlong araw na nga ang nakakalipas simula nung umiwas ako sakanya. Ngayon na rin ang last day at final ng tournament. Dalawang university na lang ang maglalaban ngayon. MU at DVU. Sila ang natira sa apat na school na nag laban kahapon.

Nakalaban ng DVU kahapon ay Hogwarts university at DVU ang nanalo. Nakalaban naman ng MU at ang NWU at MU ang nanalo.

Ngayon ang finals.


Sa lumipas na araw, maraming nag tatanong saakin kung bakit hindi na ako naglaro. Hindi ko sila sinasagot, hindi dahil sa ayaw ko sila sagotin, kung hindi ay wala ako sa mood to explain.

Pumunta ako dito sa school ngayon dahil inaya ako ni cassy na manuod ng final ng volleyball, dahil lalaban ang pinsan nya for final. Nagalit raw kasi sakanya ang pinsan nya dahil hindi ito nanuod nung mga nakaraang araw. Kaya ito nahila sya nito ngayon.

Tumuloy ako sa gym, dahil naandon na sya.

Pagpasok ko agad ko syang hinanap. Nakita ko sya sa kabilang side. Kumaway sya saakin, habang may malawak na ngiti sa labi.

Nasa pinaka unahan sya, kasama ng mga staff ng MU. Kumaway rin ako sakanya bago ako naglakad palapit.

Buti na lang naka cap ako. Kaya hindi rin ako agad pansin.

"Shit." Mura ko.
Sakto kasi na lumabas si autumn at coach lagman sa door ng players room. Nag uusap sila at parang may pinapaliwanag si autumn kay coach lagman. Si coach naman ay puro tango lang rin sa sinasabi ni autumn sakanya.

Binaba ko lalo ang hood ng cap ko para hindi nila ako mapansin pero wala rin, dahil parehas silang natigil ng makita ako.

Pansin ko ang malamlam na mata ni autumn.
Para syang pagod na pagod. Simula kasi nung nag usap kami sa sportsclub ay hindi ko na ulit sya nakita pa, ngayon na lang ulit ako lumabas.

Hindi kasi ako lumabas simula nun sa bahay dahil mas ginusto kong huwag muna syang makita.
Tyaka wala rin ako sa mood. Kahit anong yaya saakin ni sovanna at millie ay hindi ako sumasama sa mga gala nila. Even cassy niyayaya ako pero kagaya sa dalawa ay decline rin sya saakin. Buti nga ngayon at ginanahan ako.

"Good morning, coach" Bati ko kay coach lagman.
"Good morning professor del valle."
Bati ko rin sakanya. Baka kasi kung ano ang isipin ni coach lagman at ng makakakita pag hindi ko sila binati.

"Good morning, din sayo laviste." Nakangiting bati ni coach.

Yumuko ako sakanila bago ko sila nilampasan para lumapit kay cassy.

Huminga muna ako ng malalim.

Ang bigat ng loob ko. Akala ko medyo omokey na ako, pero hindi pa rin pala. Hindi ko pa pala sya gustong makita.

Napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Pero walang nangyayari kaya naman pilit na lang akong ngumiti para hindi naman ako mag mukhang rude kay cassy. Tinanggal ko na rin ang cap ko.

"Hi sweet heart." Nakangiting bati nya saakin bago ako hinalikan sa pisngi. Sanay na talaga ako sa paiba iba nyang tawag saakin.

"Good morning." Nakangiting bati ko sakanya pabalik. Hinawakan nya ako sa kamay saka ako hinila para salubungin ang babaeng papunta saamin.

"Hey, couz." Bati nya sa babae. So ito pala ang pinsan nya? Ang ganda tapos ang tangkad rin. Siguro nasa 5.8 sya, same sila ni cassy.

Gaano ba kaganda lahi nilang magpipinsan at magkakaanak?

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon