47
HELLO KITTY"Ano yan?"
Tanong saakin ni summer pagbalik ko sa kusina dala dala ang paper bag na naglalaman ng hello kitty sleep wear.Naiinis pa ako dahil bakit nung mga oras na yun pa dumating ang pajama na yun, sa haba haba ng araw at oras, bakit nung nandoon pa si summer?
Wala akong natanggap nun mula kay summer kung hindi puro lang pang aasar.
"So, you're gonna wear that thing because you're jealous to that guy?"
Huling katagang binitawan nya para asarin ako bago ko sya palayasin ng opisina ko.
Tatawa tawa pa sya habang lumalabas nun sa opisina ko.
Kulang na lang umusok ang ilong ko sa inis sa kanya.
Sya lang talaga ang taong nakakagawa nun saakin.
Hindi ko alam kung paano nya nasabi yun, siguro nahahalata na rin nya na may gusto na ako kay hillani."Hey yow, mussup my boo, my lab, my princess, my amor-" Agad na bungad saakin ni hillani pag pasok nya pero natigil rin sya dahil sinamaan ko sya ng tingin.
Wag nya lang talaga akong aasarin sa suot ko. Nag effort pa ako para lang dito sa favorite nyang pink na hello kitty.
Nainis pa ako sa seller dahil antagal nyang ipadala to saakin, hindi ko sya tinigilan hanggat sa hindi ito dumadating saakin.
Pinag masdan nya ako ng tingin mula ulo hangaang paa. Napapakagat labi pa sya para pigilan ang ngiti nya. Hanggang sa tumalikod sya.
The hell?
Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi nya ba gusto itong suot ko?
But its her favorite.
I hear them talking last week and that guy mention, that hello kitty is her favorite and can lighten up her mood.
Baka hindi lang sya makapaniwala na nag suot ako nito.
"Look at me, hillani." Seryosong sabi ko sakanya.
Agad syang humarap saakin habang namumula at may mga ngiti sa labi.Confirmed she like it.
"Do i look cute?" Nagpacute pa ako sakanya.
Sana nagustuhan nya.
Ako lang dapat ang nagpapangiti sakanya, at hindi ang lalakeng yun. Pansin ko kasi na ang laki laki ng ngiti ni hillani pag binibigyan sya nito ng lunch box na hello kitty tapos naka headbun pa.
Ang pangit na nga ni thyler pero napapangiti pa nya si hillani, because of that hello kitty.
"Ang cute mo, i like it."
Reply nya na nakapag pangiti saakin. Namula rin ako."Really?" Nahihiyang tanong ko.
I want to punch myself that time because im acting like a teenager. Pero hindi nyo rin ako masisisi dahil kinilig naman talaga ako nung oras na sabihin nyang nagustuhan nya yung ayos ko.
Nakasuot pa ako ng apron nun dahil pinagluto ko sya ng favorite nyang beef mushroom na syang laging laman ng hello kitty lunch box na binibigay sakanya ni thyler.