48
FEEL BAD"Anong problem ng batang yun?" Rinig kong bulong ni coach lagman sa tabi ko.
Kahit si summer hindi na rin mapakali sa kinatatayuan nya, parang anytime lulusong na sya sa tubig para pigilan man ang kung anong binabalak ni ramulla kay winter at hillani.
Nakita rin namin si callione, na papalapit na sa apat na nagkakayak, pero bago pa sya makalapit tuluyan ng natumba ang sinasakyan ng dalawa.
Nanlake ang mata ko ng makita ko na tumama ang ulo ni winter sa bato. Si summer ay tuluyan ng lumusong sa tubig para puntahan si winter.
Tinanggal ko ang blazer ko, para sumunod kay summer. Grabe ang tambol ng puso ko. Si winter.
Nakita ko kung paano tumama ang ulo nya sa bato."Young lady-"
Balak pa sana akong pigilan ng butler ko pero tuluyan na akong lumusong.
Mabilis akong nag swim papunta sa direction nila.Pag dating ko sakanila, sakto namang sumulpot ang dalawang butler ko. Sumunod pala sila saakin.
"Young lady."
Lumapit ako kay summer na inaangat si winter sa bangka, habang si callione naman nasa taas at hinihila si winter.
Pagkalapit ko sakanila agad akong nataranta pagkakita ko sa dugo na walang tigil sa pag agos.
"Fuck." Kinakabahang usal ko.
Pagkaakyat ni summer sa bangka, umakyat rin ako.Mabilis kong pinunit ang dulo ng suot kong v-neck para ipang harang sa sugat nya.
Lahat kami natataranta na sa nangyayari kay winter that time, pero hindi ko naisip na may isa pa palang taong mahalaga saakin ang nasa kapahamakan.
Naalala ko lang sya nung nakita ko syang gumagapang papunta sa pangpang.
Pupuntahan ko dapat sya nun pero hindi ko na lang tinuloy nung nakita ko si thyler na tumatakbo papunta sakanya.Nakaramdam ako ng panghihina ng makita ko kung paano sya umiyak ng mga oras na yun kay thyler.
Sa muling pagkakataon, sinisisi ko na naman ang sarili ko.
Paano ko sya nakalimutan?
Sa ganoong pangyayari pa talaga.
Buong maghapon nun tahimik lang ako at walang kinakausap. Kahit si danie na kulit nang kulit saakin, sa harapan ng mga players nasigawan ko sa sobrang galit ko sa sarili ko.
Napahiya sya nun at dina muli ako kinulit hanggang sa matapos iyong charity event.
Sa likod ng puno na tinambayan namin nung unang araw ako nagpalipas ng mga oras.
Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak sa sobrang inis at galit ko sa sarili ko.Muntikan syang mapahamak dahil hindi ko man lang sya naalala.
Mapapahamak sya dahil sa kapabayaan ko.
Buong araw ding iyon, hindi nya ako matignan sa mga mata, kahit tapunan man lang ng tingin hindi nya magawa.
Alam ko na galit sya saakin, alam ko na nagtatampo sya saakin. I know her, sa tuwing binibigyan nya ako ng ganoong treatment alam ko na may nagawa akong mali o hindi nya gusto. At alam ko na yung nangyari sa falls ang dahilan.