34
11:59 PM"Now, without any further ado let's do the cake cutting ceremony as we have our schools tomorrow."
tinaas ko ang wine glass ko.
"Once again thank you everyone for coming here to celebrate my birthday with me.
Cheers!"
Inangat nila ang baso nila at sabay sabay kaming uminom.
Kita ko na rin ang cake ko na tulak tulak ng isang waiter.
Nag blow na ako kanina pero mag blow pa rin ako for party closing ceremony.
Muli nila akong kinantahan ng happy birthday.
Pumikit ako para mag wish.
Pagkatapos ko mag wish, hinipan ko na ang cake.
Ang saya saya ko. Happiness is understatement para matukoy kong ano ang nararamdaman ko ngayon.
Its more than that, especially that she came.
Tinignan ko si autumn na pumapalakpak ng tipid sa upuan nya.
Ngumiti sya saakin at nag thumbs up.
Awww my baby.
Pag ako dito namatay dahil sa kilig. okey lang at least masaya ako.
"Wag ka naman masyadong mag pahalata na patay na patay ka sakanya, princess."
Bulong saakin ni dad habang naka akbay.Napabusangot ako.
Rinig ko ang mahinang pag tawa ni mommy at kuya sa tabi ko.
"Hayaan mo na sya dad. alam mo naman yang anak mong dalaga, binata na."
"Kuyaaaa?"
Saway ko sa pang aasar nila.Natawa silang tatlo.
"Tapusin na natin to princess, para masolo ka na ng bebelabs mo."
Napakunot noo ako sa sinabi ni mommy. Natawa sya bago tumingin saakin.
Anong bebelabs?
Ang baho naman ng endearment nila kay autumn.
"Pinag paalam ka nya saamin kanina, kung pwede ka nyang hiramin. May pupuntahan daw kayo." Si dad.
"Ano ako gamit?" Tanong ko.
"Pumayag naman kayo?" Dugtong ko pa."Oo naman." Sagot ni dad.
"Autumn del valle na yarn, choosy pa ba kami?"Natawa ako sa kalokohan ng family ko.
Mga may sapak sa ulo.
Hay naku.
I couldn't ask for more.
Sila lang sapat na sapat na saakin. Pero wala naman sigurong masama kung pati si autumn e saakin na rin.
Pag patak ng 10:30 ay tuluyan ng natapos ang party ko.
10:35 ay wala ng bisita sa bahay. Except sa isang tao na kanina pa tingin nang tingin saakin habang nakangiti.
Kahit nasa harapan lang sila mom and dad ay ganyan sya tumingin saakin.
Ako na ang naiilang.
Halikan kita dyan e.
-
"Saan mo ako dadalhin miss maam?" Tanong ko sakanya habang nag dadrive sya.
Yung suot ko pa rin kanina ang suot ko. Tinanggal ko lang yung nakadugtong dito kaya mukha na syang dress. komportable na ako habang naka upo dito sa bmw nya.