41
HYACENT BEAUFORT"Mahal ko" tawag ko sakanya. Magkayakap kami dito sa kama habang nakabalot ang comforter sa hubad naming katawan.
2 weeks na simula nung umuwi kami galing elyu.
Sa two weeks na lumipas naging masaya kaming dalawa. Minsan na nga lang ako umuwi sa bahay, dahil dito na ako natutulog sa condo nya.
Wala namang reklamo sila mommy sa naging set up namin ni autumn.Support na support sila, tyaka gusto na nga ako nilang ibigay kay autumn.
Mga siraulo talaga.
"Hmmm?" Tanong nya saakin. Tinignan ko sya.
"Paano mo narealised na mahal mo na ako?" Tanong ko sakanya. Simula kasi nung birthday ko, hindi ko pa sya natatanong sa tungkol sa pag move on nya.
"3 months simula nung nilayuan mo ako, doon ko narealised na mahal kita, hillani. Nag seselos ako pag maraming taong lumalapit sayo."
"But its normal dahil, gusto mo naman ako." Sabi ko sakanya.
"Yeah, i like you, pero nung time na yun, iba. Yun din yung time na namimiss ko ang presensya mo, namimiss ko ang lahat ng tungkol sayo. Nawala na rin yung attention ko kay winter that time. Sa tuwing nasa paligid si winter, hindi na ako nakakaramdam ng pagmamahal kagaya nung dati. Hindi ko na hinahanap yung presensya nya."
Napangiti ako sa naging sagot nya.
"Kung ganoon bakit hindi mo kaagad ako binalikan?" Tanong ko.
Yumuko sya saakin. Inangat nya ang kamay nya para tanggalin ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"Because i want to heal completely. Gusto ko pag bumalik ako sayo, yung kaya ko ng ibigay sayo yung better version. I fix myself for you. I fix everything in me for you, my hillani." Nakangiting sabi nya.
"Hindi lang naman si winter ang dahilan kung bakit ko inaayos ang lahat saakin. Gusto ko ring ayusin yung iba ko pang problema para pag bumalik ako sayo, okey na ako""Other problem? Like what?"
Natahimik sya sa naging tanong ko.Iniisip ko kung may kinalaman ba ang underground na nakita ko sa university. Nararamdaman ko na may mali sa underground na yun.
Sino ka ba talaga autumn del valle? Sana magpakilala ka na ng totoo saakin. Pangako na tatanggapin kita.
That scar on your back, that dark stares of yours, the way you throw that darts, that dark past of your that keep hunting you til now.
Who are you, mahal ko?
"Family business." Sabi nya.
"My life is complicated before, hillani." Tumingin sya sa chandelier. Huminga sya ng malalim.
"Can you promise me one thing, my love?" Malungkot na sabi nya.Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sakanya.
"Pwede bang mangako ka sakin na hindi ka magagalit saakin oras na may mga malaman ka about me? About my past?"
Naalala ko na naman yung narinig ko na usapan nila ni tito sa office nya noon.
"I handle so many business at the age of 10 daddy. "
"You dont have to worry about me. But anyway I still think about it, dad."
"I just want you to live a normal life, my daughter.
And please dont mention that past again.""Im sorry daddy pero simula nung pinanganak ako sa mundong to, hindi na normal ang buhay ko."
"You change, autumn."