41
LA UNION PT6Warning🔞: Sexual content intended.
Warning🔞: Not suitable for young readers.***
"ATE AKIRAAAAA." Napatingin ako sa taong tumawag saakin. Napangiti ako dahil tumatakbong si scarlet ang papunta sa pwesto ko.
"Ate akira, pinapabigay po ni inay." Inabot nya saakin ang isang eco bag. Tinignan ko ang laman nun. Mga kakanin.Ito yung kakanin na hinahanap ko sa market kagabi pero wala akong nakita.
Namiss ko kasi ito dahil nung huling punta pa namin ng elyu ko ito natikman. 2 years ago pa."Wow. Saan nyo ito nabili? Kagabi pa ako hanap nang hanap nito." Tanong ko sakanya.
"Si nanay ho gumagawa ng ganyan dito sa elyu. Kami rin ho ang nag susupply nyan sa market. Kahapon ho di sya nakagawa dahil kapos ho kami sa budget." Tumango tanong ako.
"Dapat di na kayo nag abala pa." Sabi ko.
Dahil pa kasi sakin e napilitan pa silang gumastos."Okey lang ho iyan, pasalamat po ni inay sa offer ni maam del valle kagabi." Natutuwang sabi nya.
"Salamat kamo." Sabi ko.
"Salamat din sayo ate akira, ikaw talaga daan ng nangyari kagabe." Naiiyak na naman na sabi nya.
"Ano ka ba. Ang galing kasi nung painting mo. Sure na yun ang dahilan ng girlfriend ko para bigyan ka ng scholarship." Sabi ko.
"Malaking bahagi ng relasyon naming dalawa ang moonlight" Nakangiting sabi ko sakanya.
Napangiti rin sya."Ganoon po ba?" Tanong nya.
"Ang swerte ko pala."
Sabi nya."Baby" Sabay kaming napatingin sa napakagandang babae na naglalakad palapit saamin.
Pansin ko ang pag tingin nya kay scarlet.
"Hi kid." Bati nya kay scarlet pagkalapit nya saamin.
Ngumiti si scarlet."Good morning maam del valle."
"Call me ate autumn."
Napangiti kami ni scarlet."Okey ate autumn."
Ngumiti si autumn.
"Ate autumn, may pinabigay sainyo ni ate akira si nanay, uwi nyo daw po." Tinaas ko ang eco bag para ipakita sakanya."Its my favorite mahal ko." Sabi ko sakanya.
Tumango sya."Thank you." Sabi nya kay scarlet.
"Ah sige po, una na po ako. Baka may gagawin pa po kayo."
"Sige, scarlet. Nice to meet you." Sabi ko sakanya.
"Kita tayo next year mga ate." Paalam nya saamin. Tumakbo na sya palayo saamin.
"Ang bait na bata." Rinig kong bulong ni autumn.
"What's that?" Tanong nya habang sinisilip ang eco bag."Yung kakanin na hinahanap ko kagabi. Sila pala nag susupply nun sa market. Sabi nya wala raw sila budget kahapon kaya wala silang sinupply." Tumango tango naman sya.
Nag simula na kaming mag lakad papuntang yacht na inarkila ni autumn.
Ang huling activity namin is sky diving. Papahinga lang saka kami babyahe pabalik ng city.
"Careful mga maam." Paalala saamin ni kuya. Inaalalayan nya kami ni autumn paakyat ng yacht.
"Thanks kuya." Pasalamat ko sakanya.