35
CAMPUS TOPIC"Tangina pre, ang ganda ng buong makati kagabe. Akala mo may contest lahat ng mga building sa pagandahan ng firework at color."
"True. Kitang kita sa condo ko."
Rinig kong bulongan ng mga tao sa parking.
Napangiti ako sa mga naririnig ko. Naalala ko na naman yung mga nangyare kagabi between me and autumn.
Kung paano ako nag wish na pumunta sya, yung pag dating nya kahit late na, kung paano nya kausapin ang parents and brother ko, kung paano nya ako tignan, kung paano nya ako ngitian na punong puno ng pagmamahal, kung paano nya hingin sa family ko yung oras na natitira sa araw ng birthday ko, kung paano nya ako isurprise sa loob ng helicopter hanggang sa pag amin nya saakin.
Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Sobra sobra yung effort nya saakin kagabi. Ang gusto ko lang naman ay pumunta sya sa birthday ko, pero waaaahhhh. Sobra sobra pa yung ginawa nya.
Ang mas mahalaga doon ay yung sinabi nya saakin na mahal nya ako.
Di ako pinatulog nun kagabi.
After din nung surprise nya, inuwi nya ako sa bahay. Nagulat pa nga ako dahil ngiting ngiti ang family ko pag dating namin, yun pala ay may alam sila sa mangyayari.
Sinabi raw sakanila ni autumn yung mga gagawin nya, kaya nga daw umoo sila e.
"Del valle residences" napatingin ako sa taong bumanggit ng DVR. Grupo sila na nakatingin sa cellphone ng isat isa.
"I think for miss laviste yung mga nangyari kagabe.
Siya lang naman nag birthday kagabe tapos close nya pa ang si maam del valle."Napakunot noo ako.
Kinuha ko ang phone ko na tumunog mula sa bulsa ko.
"Girl, you have something to explain to us."
Basa ko sa text ni sovanna."Bakit naman gagawin ni maam del valle yun?" Tanong ng isa nilang kasama.
"Hindi sya yung tipo ng tao na gagawin yun at isa pa, Kung gagawin nya yun for miss laviste, baka may something sakani-" napatingin ako sakanila."Gaga ka. Malabo pa sa mata ng lola mo yang sinasabi mo." Agad na bara ng isa nilang kasama.
"Baka namn kasi sisterly ang turing nila sa isat isa, kaya yun ginawa ni maam del valle. Mag isang anak lang si maam del valle kaya baka kapatid na rin ang turing nya kay laviste.""Yeah you're right. I must be overthinking."
Tuluyan na akong naglakad papunta sa tambayan namin ng mga kaibigan ko.
"Hoy girl, ano to?" Napaatras ang mukha ko dahil sa ginawa ni sovanna. Dinikit ba naman sa mukha ko ang phone ko para ipakita ang nasa cellphone nya.
"Ano ba yan, sovanna. Muntikan pang tamaan ang mukha ko, siraulo ka." Sabi ko.
Umupo ako sa tabi nila ni millie
"Ano ba kasi yan?" Kinuha ko na ang phone nya.Nanlake ang mata ko ng makita ko kung ano ang nasa picture.
Kuha ito galing sa kaharap na building ng DVR. Kita sa picture yung "happy birthday, i love you" ni autumn.