24
CUDDLE"Why are you keep zooming him out?" Tanong nya saakin dahil zinozoom ko ang litrato nilang magkakaibigan kay doc libran. Yung visor ko sa del valle hospital.
"Is he your friend?" Tanong ko sakanya.
Nasaakin kasi ang phone nya, nag sscroll ako sa photos ng phone nya.
Nasa kama kaming dalawa, nakasandal sya sa headboard habang ako nakasandal sa katawan nya.
Nasa pagitan ako ng mga hita nya.Pinapaliwanag nya saakin ang bawat picture na interested ako.
Ngayon ko lang naman na nag aral pala sya sa harvard nung college at doon sya grumaduate. May picture kasi sya doon kasama si tita. Tapos ayon sabi nya nag aral sya dun.
Grabe naman pala itong soon to be girlfriend and asawa ko. Ang taas taas ng background nya, hirap abutin. Shes 27 now, and i know her for 5 years. Nung nakilala ko sya sa party ni kuya, 22 sya and shes already graduated that time. Akala ko dito lang sya sa DVU nag aral.
"Yeah, hes my friend."
Sagot nya."Like how? Paano mo sya nakilala?"
"Hes taking a masteral degree at harvard at doon kami nagkakilala. That was 7 years ago." Sabi nya.
"Why you keep asking about him?"
Asar na tanong nya saakin."I dont know, if ako lang, but hes creeping me out. Visor namin sya sa hospital nyo." Sabi ko sakanya.
Nag scroll ulit ako. Marami pa syang pic na kasama ang lalakeng yun with their circle of friends. Especially nung college sya. Ngayon meron pa naman pero hindi na ganoon karami kagaya nung college. Siguro dahil na rin sa busy na sila sa kanya kanyang trabaho.Ngayon ko rin nakita yung danie na kasama rin sa mga pic nila sa harvard.
"Why? May ginawa ba sya sayo to creep you out?"
Tanong nya.Natahimik ako.
Iniisip ko na baka magalit sya kay doc libran, o baka magalit sya saakin dahil kaibigan nya rin yung pag bibintangan ko.
What if hindi naman talaga sya masamang tao? What if ganoon lang talaga sya tumitig?
Pero kasi, bakit saakin lang sya tumitingin ng ganon? Marami kaming babae sa team pero ako lang naman tinititigan nya, idagdag mo pa yung may special treatment ako sakanya minsan.
Kahit sinong babae once na trinato ka ng ganoon natural same rin kami ng mararamdaman.
"Come on tell me, hillani." Sabi nya.
"May ginawa ba sya sayo to creep you out?"Tumingala ako sakanya, bakas ko ang pag aalala sa mukha nya.
"I dont know, but his looking at me na parang anytime may gagawin syang hindi maganda saakin. Alam mo yung tingin ng mga manyak or drug addict? " Tanong ko sakanya
"Ganoon sya tumingin saakin, oo saakin lang, dahil hindi naman sya ganoon tumitig sa mga kasama ko. Even mga kasama ko pinag iingat ako sakanya dahil napapansin rin nila." Pag susumbong ko.
Nakita ko ang pag iba ng expression ng mga mata nya. Yung pag aalala napalitan ng pag seryoso.Minsan hindi ko rin talaga sya mabasa. Hindi ko pa ganoon kakilala ang lifestyle nya, siguro kung may alam man ako sa buhay nya,10-20% lang and the rest hindi na.
Minsan kasi kung tumitig sya sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakanya, matinde. Parang anytime gusto nyang patayin yung taong yun.
Naalala ko tuloy yung narinig kong pag uusap nila ni sir alcantara sa parking noon.