Chapter 40- La union pt5

153 8 0
                                    

                                        40
                             LA UNION PT5

"Look at that teady bear, he looks like falls." Turo nya sa teady bear na nakasabit kasama ng iba ibang uri ng plushie.

Oo nga, kamukha sya ni falls.

Napabusangot ako. Bakit nila binitin ng patiwarik ang falls ko?

Sarap sabunutan ni kuya na nagbabantay ng perya. Wala syang buhok pero gusto kong sabunutan sya.

"My falls." Usal ko
"They hang him just like that?"
Naiinis na sagot ko.
"Kukunin ko yan" lumapit ako kay kuya.

"Hoy kuya."
Tawag ko sakanya.

Tumingin sya saakin at sa kasama ko. Kulang na lang mag heart heart ang mata nya.

"Maglalaro kayo ining? 200, five darts. Pag tatlo ang natamaan mo mananalo ka ng maliliit na plushie, pag lahat, pwede ka mamili sa nakasabit na malalaki."
Nakangiting sabi nya.

Tinignan ko ang mga ballon na gumagalaw galaw.
Lugi naman ako dyan e. Bat yan gumagalaw? Dinadaya ata kami ni kuya. Paano ko matatamaan yan?

"Gumagalaw kuya, paano ko matatamaan yan?"

"Ganoon talaga ining. Malay mo ikaw na ang kauna unahang makakuha nyan."

"Sige pahinging lima."

Inabot ko sakanya ang 200 ko. Binigay naman nya saakin ang dart.

Tinignan ko si autumn na nakatayo sa tabi ko.

"Go baby." Pag cheer nya saakin.

Nag stretch muna ako bago ko inasinta ang lobo na todo ang galaw. Dumadami na din ang tao sa paligid namin. Nag bilang muna ako bago ko tinapon ang arrow.

Ayon ligwak. Wala na.

Napabusangot ako. Hindi na ako nag effort dahil wala na rin namang makukuha na malaki.

"Isa pa nga, kuya. Last na." Sabi ko ulit.

Inabot ko sakanya ang 200 ko. Binigyan nya ako ng limang darts pero ganoon pa rin ligwak pa rin.

Para na akong iiyak na tumingin kay autumn. Lumapit sya saakin at hinaplos ako sa pisngi.

"I got you." Ngumiti sya saakin.
"Give me 5 darts."Sabi nya sa mama.

Seryoso sya. Yung mga nanunuod mas dumarami at punong puno ng pag hanga ang mukha habang nakatingin kay autumn.

"Naku ining matatalo ka rin." Sabi sakanya ng mama kaya tinignan nya ito ng napaka seryoso.

Mukhang natakot ang mama sa titig nya.

"Dont try me mister." Seryosong sabi nya.
Kinuha nya ang darts sa mama.

Napasinghap ako dahil sunod sunod na pumutok ang mga lobo. Sunod sunod rin kasi ang hagis nya ng mga darts

"WHHHOOOOAAAA" Reaction ng mga nanunuod. 

Baka girlfriend ko yan.

Ang galing nya. Walang kahirap hirap.
Hindi man nga lang nya inasinta e.

"Give me this stuff toy." Turo nya sa kamukha ni falls.

"Grabe pre, ang hot nya."

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon