9
UNIVERSITY BALL"Akira" Rinig kong tawag saakin ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ako nag salita dahil kasalukuyan akong nilalagyan ng lipstick ni ate lara, ang make up artist ko simula noon pa.
"Pasok na ako ha?" Binuksan nya na ang pinto, sumilip muna sya bago tuluyang pumasok.Ang gwapo kong kuya.
"Ay wow, naman akira, ang ganda ganda mo ata ngayon." Pinaningkitan ko sya ng mata kaya natawa sya. Sakto naman na tapos na si ate lara sa labi ko.
"Para namang sinasabi mo na ang pangit pangit ko araw araw except sa araw na to." Mas lalo syang natawa.
Abnormal.
Sinabi ko pang gwapo sya.
Oo, pangit na rin sya sa paningin ko.
"Hey, i didn't say that" I didn't say that? E ka sasabi nga lang nya.
"I mean, you look more beautiful now. You look pretty everyday but you're more prettier now." Inirapan ko sya.
"For sure na mapapatitig sayo si Autumn."Gumuhit ang malakeng ngiti sa labi ko.
Alam na alam talaga ni kuya kung paano kunin at pagaanin ang loob ko.
Che
"Okey na hija. napakaganda mong bata, for sure na mahuhulog sayo ang crush mo."
Pang bobola saakin ni ate lara.Bigyan ng malakeng tip yan
"See? Even ate lara knew it."
Napakagat labi ako.Pinag tutulungan na ako sa pang bobola ng dalawang to.
Tumayo na ako, mabilis na lumapit saakin si kuya para alalayan ako sa pag tayo.
"Namumula ka princess? Kinikilig ka no?"
Asar na naman nya saakin."Che"
Irap ko sakanya."Ihahatid na kita, sa school mo. Ikaw naman kasi e, dapat nag yes ka na kay thyler, mabait naman ang batang yun. Wala ka tuloy date, masyado ka naman kasing loyal kay autumn babe mo" Sabi nya.
Hindi pa rin pala nya alam na si thyler ang date ko ngayon. Actually susunduin nya ako now, baka nga nandyan na since may narinig na akong nag doorbell kanina.
"Sino nag sabi na wala ako date?"
Mayabang na tanong ko sakanya."So meron?" Tanong nya.
"Yeap, baka nasa baba na sya." Ngumiti sya
"Mabuti naman para hindi ka mag isa sa prom, yung dalawa mong bestfriend meron date, kaya akala ko wala ka, mabobored ka don kung ganon."
Tumingin muna ako sa salamin.
Shet, si mama mary ba to?
Ang ganda ko sa suot kong backless black gown.