Chapter 15- Competitive

182 8 0
                                    

15
COMPETITIVE

"Tangina, sino ang supply mo ng favorite food mo?"
Tanong saakin ni sovanna habang nakatingin sa lunch box na hello kitty ang design na kakakuha ko pa lang sa labas ng classroom.

Actually hindi ko alam kung paano nalaman ni thyler na fave ko ang hello kitty. Siguro baka sinabi ni mommy nung nagluluto sila.

Isang linggo na kasing nagbibigay ng lunch saakin si thyler. before kasi sya umuwi ng gabing yun ay nag sabi sya saakin na lulutoan nya ako araw araw ng lunch. Since nagustuhan ko nga yung luto nyang creamy beef mushroom.

Tumanggi nga ako kaso mapilit sya, hayaan ko na lang daw sya, since gusto na rin naman nyang bumalik sa pagluluto. Since kasi nung nabusy sya sa varsity ay nawalan daw sya ng time mag luto.

Bahala sya, basta ang importante nilinaw ko sakanya na wag syang mag expect saakin. Nag agree naman sya, basta ba daw, friends kaming dalawa.

Understanding talaga si thyler. Kahit noong bago kaming magkakilala, palagi syang maintindihin.

"Oo nga, aki. Isang linggo na yan ah? Hindi ka ba nananawa sa creamy beef mushroom? Ang naiiba lang ata dyan sa pinapadala nya sayo ay ang dessert." Si millie

"Oo nga, anong dessert mo?" Tanong rin ni sovanna. Balak nya sanang agawin ang lunch box pero agad ko itong nilayo sakanya.

Sus. Uubusin nya na naman ang dessert ko.

Palagi kasi nyang tinitira ang dessert sa lunch box.

"Heeh." Singhal ko.

Natawa silang dalawa.

Natigil ako ng tumunog ang phone ko.

Autumn babe:
  Come to my office.

Napakunot noo ako.

"Alis lang ako." Paalam ko sa dalawang tyanak.

"Lalandi ka na naman no? Siguro sya ang supplyer mo?" Tinignan ako ng nang aasar ni millie.

Inirapan ko lang sila bago ako lumabas.

Narinig ko ang tawa nilang dalawa.

Mga siraulo.

Pumasok na ako sa elevator. Sasara na sana ito pero agad itong bumukas ng may kamay na humarang.

Nakangiting si winter ang sumalubong saakin.

"Hi cap." Bati ko sakanya.

"Hi, akira."

Ang soft talaga ng babaeng to. Ang bait bait.

"Punta ka kay maam autumn?"
Tanong nya saakin.

"Yes."

"I thinks she likes you." Napatingin ako sa reflection nya sa salamin.
"I mean, i know her. i barely saw her smile to other people. but you? You makes her smile so many times, like a real one." Nakangiti sya.
"Maam autumn, is one of the most important person in my life. I love her but not romantically. I treat her as my sister." Humarap sya saakin.

Hindi ko alam bat nya sinasabi to.

"Hindi naman siguro lingid sa kaalamanan mo na nasaktan ko si maam autumn diba?" Tanong nya. Tumango ako.
"Please treat her nicely, akira. I know you love her so much. Wag mo iparamdam sakanya yung pinaramdam ko sakanya." Ngumiti sya saakin.

"I love her so much." Yun na lang ang nasabi ko dahil tuluyan ng bumukas ang elevator.

"Nice talking to you, akira." Ngumiti sya saakin bago sya lumabas, sumunod na rin ako.

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon