14
LAVISTE'S HOUSE"Hillani" Rinig kong tawag nya saakin bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sakanya. Nakahawak pa rin sya sa manebela nya, pero patay na ang makina.
"Are you mad?" Tanong nya saakin.
Tumingin sya saakin. Simula nung umalis kami sa parking, ngayon na lang ulit sya nag salita.Binitawan ko ang pinto ng sasakyan at humarap sakanya.
Hindi naman ako galit, nag tatampo lang ako.
Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman nya para saakin.
She kissed me.
Anong iisipin ko? Natural iisipin ko na baka kahit papaano, may nararamdaman din sya saakin. Aside from that, shes acting like a jealous girlfriend saamin ni thyler.
"I will never get mad at you, miss maam. Magalit na ako sa sarili ko, pero hindi sayo."
Ngumiti ako sakanya.
"Tara na, baka naghihintay na sila sa loob."
Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at bumaba. Umikot ako sa driver seat at pinag buksan sya ng pinto.Bumaba sya dala ang bag nya.
"Thanks."
Sinarado ko na ang pinto at sabay na kaming nag lakad papasok sa loob ng bahay.
"Daddy." Tawag ko sakanya pag pasok ko. Nakita ko kasi ito sa sofa at busy sa laptop nya.
Lumapit ako sakanya at yumakap ng mahigpit."My princess" sabi nya habang nakayakap.
"How's your day?" Tanong nya pagkalayo ko."Fine daddy, ang saya."
Nakangiting napatingin sya kay autumn na nakatayo sa likod ko.
"Sino ba namang hindi sasaya?"
Sabi nya habang pasimple akong tinapunan ng tingin. Ngumisi lang ako sakanya.Tumayo sya at nilapitan si autumn.
"Autumn hija, akala ko hindi ka pupunta?" Tanong sakanya ni dad bago nakipag beso.
Tinignan ako ni maam autumn bago ngumiti kay daddy.
"I-I thought so too tito. B-but i already finish my works early." Utal utal na sabi nya. Ngumiti si dad.
"Lets go to the kitchen." Sabi nya. Inayos nya lang ang laptop nya sa table bago kami niyaya papuntang kitchen. Nauna na rin sya.
Kinuha ko muna ang bag ni maam autumn, para ilapag sa sofa. Pagkatapos muli akong lumapit sakanya at niyaya sya papuntang kusina.
Nakita ko si thyler na nakasuot ng apron, habang nagsasalin ng ulam sa bowl.
Wow naman? Nag cook bonding pa sila ni mommy?
Ang hot nya sa suot nyang kulay pink at hello kitty na apron.
Gusto kong matawa.
"Autumn hija, umupo ka na. Matatapos na kami ni thyler." Sabi ni mommy habang dala dala ang ulam na sinalin ni thyler.
Tumingin naman saakin si thyler at ngumiti.
Nginitian ko rin sya ng tipid.