Chapter 19- Banaue pt.3

171 6 0
                                    

19
BANAUE pt.3

"Mister vasquez, go to your team."
Saway sakanya ni maam autumn.

Tumingin ako kay maam autumn, na naglalalakad ngayon, papunta sa pwesto namin ni thyler.

Salamat naman. Ang kulit kasi ni thyler, hindi na ako comfortable sa kakulitan nya.

Alam ko naman kung paano mag laro ng kayak pero turo parin sya nang turo.

Nandito kami ngayon sa malawak na falls, mag kakayak kami. Ito daw ang unang activity namin.

Pang tatlong araw na namin ito, kaya naman nagsisimula na rin ang activity namin. Yung dalawang araw na lumipas ay namigay kami ng mga essential na gamit at pagkain sa mga taga dito. Andaming pumunta kaya halos mag hapon kaming namimigaysa dalawang araw na yun.

Mga varsity players lang ang maglalaro. Ang iba naming kasama ay manunuod lang. Kaming 15 na players lang ang maglalaro.

"Sorry maam." Hinging paumanhin ni thyler, bago ito nag lakad papunta sa team nya.

Tatlong grupo kami at tag limang members ang bawat team.

Kagrupo ko si winter, si danica, romeo, at luiz.

Ang mauunang tatlo na magkakayak, ay mag isa lang sila sa kayak. Habang dalawang tao naman sa last na kayak. Apat na ikot lang kami. Napagdesisyonan rin namin na kaming dalawa na lang ni winter ang magkakayak sa huli.

"OKEY, GET READY." Sigaw ni coach lagman.
Umayos na si luiz at tumingin sa harapan.
"ONE, TWO, THREE" sigaw ni coach sabay pito.

"GOOOO LUIZ..." Cheer namin kay luiz na kasalukuyang nangunguna ngayon. Sya ang pinauna namin dahil medyo malaki syang lalake at hindi sya mahihirapan mag sagwan.

From football team sya.

"GO, GO, LUIZ." Malakas kong cheer.
Sinabayan ko na rin ito ng sayaw na para bang member ako ng cheer dance.

Malakas rin ang cheer ng mga kasama namin dito sa falls. May mga taga dito rin sa banaue na nanunuod sa activity namin. Nag checheer din sila sa gusto nilang team. By color kasi ang bawat grupo.

Ang iba kong kagrupo tumatalon talon, habang tuwang tuwa, dahil hanggang ngayon nangunguna pa rin si luiz na kasalukuyang pabalik na ngayon.

Malake rin ang agwat nya sa kalaban pangalawa ang team nila thyler na nasa gitna.

Agad na nag dive si luiz sa tubig para ipasa kay danica ang bangka.

Agad na nag swim si danica papunta sa bangka saka ito sumampa. Pagkasampa nya wala syang sinayang na oras at agad na nag sagwan.

"RED TEAM." Sigaw ng mga tao.

Thats our color.

Ang lalakas ng cheer ng mga locals na nanunuod saamin.

Sunod naman ay si romeo, nangunguna pa rin kami hanggang ngayon. Kalaban nya sa yellow team ay si thyler at si kice naman sa blue team from basketball.

"GO ROMEO...." Malakas na sigaw namin ni nila winter, dahil halos mahabol na sya ni thyler. Konte na lang mahahabol na sya.
Agad na umikot si romeo paharap saamin at mabilis na nag sagwan. Ganon rin ang ginawa ni thyler.

Under The M♾️nlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon