33
23rd BIRTHDAY"Mommy" Tawag ko kay mommy pagpasok nya dito sa kwarto ko. Ngumiti ako sakanya at ganoon din sya saakin.
"Hi, princess." Bati nya saakin bago ako hinalikan sa pisngi. Hinila nya ang isang upuan sa tabing vanity mirror. Umupo sya doon at tinignan ako.
"Ang ganda mo anak, sure na mahuhumaling sayo lalo ang mga manliligaw mo na pupunta ngayong gabi." Ngumiti ako ng tipid."Mommy, alam mo naman na wala akong balak sagutin kahit sino sakanila." Nakangiting sabi ko.
Isang tao lang ang hinihintay ko sa buhay ko pero hindi ko alam kung makakapunta ba sya ngayong gabi. Pinadalhan ko sya ng invitation sa office of the president.
Yeah, tama kayo ng nabasa. Sya na ang president ng school pero kahit pa ganoon nagtuturo pa rin sya sa subject nya saamin. Oo saamin lang.
Lahat ng year level at courses na tinuturuan nya noon, hindi nya na tinuturuan ngayon. Tanging subject nya lang sa class namin.
Akala ko nga ang pipiliin nya ay architecture since yun ang profession nya talaga. Pero ito. Ang tanging subject ko lang sakanya ang pinili nyang turuan
May part na kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata.
Hindi na kami masyadong nag uusap simula nung nag usap kami inside the sports club. Mag usap man kami inside the class lang.
Palagi rin syang wala sa school. Ang alam ko tuluyan ng nalipat sa pangalan nya ang mga business nila dito sa pilipinas. Nag migrate na kasi ng tuluyan sila tito richard sa europe kaya sya na ang namamahala ng lahat lahat ng ari-arian nila dito.
Minsan halos mag iisang buwan syang hindi pumapasok sa subject nya saamin dahil sa mga business nila. Nababalitaan ko rin minsan na pumupunta sya ng ibang bansa at maglalagi roon ng mga ilang linggo para sa business.
Simula nung malipat sakanya ang mga business nila, bihira ko na lang syang makita.
Actually nung pinadala ko sa office of the president yung invitation 1 week ago, wala sya. Sabi ng secretary nya nasa london daw ito at halos isang buwan na doon, pero sasabihin nya daw na nagpadala ako ng invitation.
Hanggang ngayon wala parin akong balita kung nakauwi na ba sya pero aasa pa rin ako. Aasa pa rin ako na dadating sya at papasok sa entrance ng garden namin kung saan gaganapin ang birthday ko.
Umaasa ako na dadating sya ngayon sa kaarawan ko.
Today is my 23rd birthday. Isa sa pinaka importanteng araw sa buhay ko.
I wish she show up, kahit sandali lang.
Wala akong pina invite na ka business partner ng pamilya ko, dahil iniiwasan ko na business ang mapag usapan.
This is my birthday at gusto ko ito maging memorable.
Ang mga ininvite ko lang ay, family member both my mom and dad side, mga kaibigan ko, mga ka close ko sa med course, mga dati kong ka team sa volleyball, and of course ang mga close kong professor.
Ininvite ko rin mga ka intern ko sa DVH.
And si cassy na tumigil na manligaw saakin.
Hindi pala sya tumigil, pinatigil ko sya.
Since i made a promise to maam autumn na hanggang mahal ko pa sya, hihintayin ko sya.5 months na ang lumipas. Gusto kong malaman kung may nangyari na ba sa moving on process nya kay estrella.
Hindi ko naman sya minamadali dahil alam ko na mahirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra sobra.