Medisina

180 7 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Tulad ko'y nalunod,
Sa dala ng sakit at puot,
Ikaw ang medisinang dulot,
Para puso ko'y 'di manlumot.

Sa gulo ng kalawakang daigdig,
Tanging sa'yo ako papanig,
Pag-ibig natin ay 'di madadaig,
Kahit sa medisina'y walang pintig.

Sasakyan panghim-papawid,
Aalagaan at ika'y ihahatid,
Sa problema ng paligid,
Ako ang medisinang maligalig.

Wala kang kasalanan,
Para 'di mo napantayan,
Ikaw ang medisinang paha-halagahan
At aking lubos na iingatan.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now