☕︎︎halcyonkiyo
Marami ang napagdaanan,
At aking na simulan,
Ilang beses nasaktan,
Para sa pag-usad na kailangan.Ngayo'y tanggap ko na,
Na sarili ay inuuna,
Tiwala'y napupuna,
Pag umusad ka muna.Hindi mapapala,
Ang paghiling sa tala,
Umusad at kumawala,
At 'di umasa sa mga hula.Sa habang panahon,
Na nais kong takasan at italon,
Sa buhay na akala'y patapon,
Pag-usad lang ang daan para umahon.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...