☕︎︎halcyonkiyo
Iniiyakan ko minsan,
Ang pagod at kahirapan,
Hindi na mapigilan,
Sa sakit na dinulot sa kawalanIba man ang hangarin,
Sa kung anong isipin,
Awitin mo'y dinggin,
Ibigkas ang bawat panalangin.Mata ng kawalan,
Kaluluwa ng kagandahan,
Sana ay gumaan,
Ang aking puso't isipan.Pero, maari ba?
Na maiba ako sa kanila,
Ako ang kalawakan,
Na mag isa't sumi-sikat sa kawalan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...