Hinay, maghintay

16 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Hinay lang sa buhay,
Sa tahimik nitong taglay,
Sarili ang kaaway,
Sa sumpang naibi-bigay.

Hayaan mong itangay,
Ang mabibigat na bagay,
Isandal kong nangangalay,
Para sa taong karamay.

Hinay at maghintay,
Sa sundo ng buhay,
Nasa iyong mga kamay,
Ang buong pag-asang tunay.

Kaya't maghinay, at mahintay,
Sa boses ng malumanay,
Lahat ay nakasalalay,
Sa taong walang papantay.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now