Huling Luha

9 2 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Luha ang kahulugan,
Kaya't may patu-tunguhan,
Ang tula sa kalawakan,
Na aking naging sandalan.

Mula sa'king isipan,
At puso kong nasaktan,
Huling luhang nakamtan,
Para sa huling tulang iningatan.

Walang binago sayo,
At ang nais ipadama ko,
Mananatili ang pangako,
Kahit tayo ay malayo.

Sa huling luha ko,
Ibinuhos at nakayuko,
Maari nagkaka-ganito,
Para sa pusong natuyo.

Pag-ibig ko'y hinahanap,
Nadala sa tulang nagaganap,
Hindi ko matanggap,
Na 'di kana ang kayakap.

Maaring 'di na mapi-pigilan,
Pag 'kaw ang nagustuhan,
Para sa huling luha'y inilaan,
Ang tulang 'di napakinggan.

Sa dulo ng tulang ito,
Sana'y ma-isip mo,
Na tao lang ako,
Nasaktan at nabi-bigo.

Dahil sa huling luha,
Salamat sa ngiting dala,
At masa-sayang alala,
Na aking napala.

Ito ang huling kwento,
At kasukdulan ng yugto,
Pasensya ng huminto,
Dahil isip ko'y gulong-gulo.

Isang libong tula,
Ngunit ngiti ko'y napuna,
Siguro'y tapos na,
Upang sarili ang mauna.
..

Basta't mahalaga ka,
Ikaw na nagba-basa,
Isipin mong kumawala,
Sa mundong nakaka-lula.

At sa dulo nito,
Sana saya ay nasa iyo,
Mga Tula Sa Kalawakan
Ang inspirasyon at tahanan mo.

Nawa'y tula ay makuha mo,
Maging ang nilalaman nito,
Sana'y mapasaya ko,
Kahit lungkot nito'y nabu-buo.

Paalam sa sandali,
At sa tula mong pinili,
Sana'y tanging sarili,
Ang bigyan mo ng pansin sa huli.


.........................................................................
MGA TULA SA KALAWAKAN
©2024
by. halcyonkiyo







Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now