☕︎︎halcyonkiyo
Bulong ng kalangitan,
Himig ng katahimikan,
Minu-munimuni at minasdan,
Ang malayo sa kalaupaan.Sa oras na gumu-gulo,
Maaring saglit huminto,
Nakatulala't sa paruparo,
Habang ang munimuni ay sayo.Ang iyong hugis ng mukha,
Tila sa isip ay 'di nabubura,
Daloy ng dagat masigla,
Lalo't ikaw ang laman ng tala.Huminga' t minu-munimuni,
Ang halik at yakap na sandali,
Tuwing kahirapan sa gabi
Ikaw ang iniisip at pinipili.Kahit puso'y walang laban,
Sa delubyo nitong katahimikan,
Balang araw walang pagsi-sisihan
At unti-unting hahanap ng paraan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...